^

PSN Showbiz

Sharon dalawang taong nainip sa contract sa TV5

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Break time ng taping ng The Mega and The Songwriter nang makausap namin si Sharon Cuneta na tuwang-tuwa sa positive feedback sa Sunday musical show nila ni Ogie Alcasid sa TV5. Alam ni Mega na mahirap sabayan ang mga katapat na shows ng ibang network pero natutuwa siya dahil unti-unti itong nagiging habit na panoorin ng mga tao.

Dream guests ni Sharon sa kanilang programa sina Regine Velasquez,  Eric Santos, Jed Madela, at nabanggit din sina Basil Valdez at Rico Puno. 

Isa pang ikinatutuwa ni Sharon ay ang magandang pagtanggap ng viewers sa kanyang Madam Chairman. Nabanggit nito na kung alam lang niya na tatanggapin ito ng tao, dapat ginawa niya ang show 20 years ako. 

“Ang tagal kong walang hit (show) at duma­ting ito. It’s a wonderful role to play with and I have great support. Nag-a-adlib ako at ang kaeksena ko will make patol at tuluy-tuloy na. It is such a blessing at pini-pray ko na ’wag agad itong matapos at kahit fifty years pa sa TV pa­yag ako,” sabi ni Sharon.

Kasunod nito ang pag-aming ngayon lang sa dalawa niyang shows siya naging masaya sa stay niya sa TV5.

“I wasn’t happy the first two years. Although my show ako na co-produced ng company ko, Viva at ng TV5, wrong time slot ’yun and wrong content, it’s not me. When it ended I felt bad but I know it has to end,” sabi ni Shawie.

Patuloy pa niya, na-revitalize lang siya nang pumasok sa TV5 sina Mr. Noel Lorenzana at Ms. Wilma Galvante. Natigil ang pag-iisip niya kung kailan magtatapos ang kontrata niya sa TV5 dahil sa kanila na naniwala at may tiwala sa kanya.

Ang The Mega and The Songwriter ay sa direction ni Bert de Leon at napapanood ng 9:00 p.m. every Sunday. Ang Madam Chairman ay sa direction ni Joel Lamangan at napapanood ng 7:30 p.m., Monday to Friday.

Pangalan ni Solenn ‘naapi’ sa ‘Complicated’

Mapapanood namin ang Status: It’s Complicated ng Regal Entertainment, Inc. bago ang showing ng movie sa Nov. 6 at inihahanda namin ang aming sarili na matawa at siyempre magustuhan ang pelikula sa direction ni Chris Martinez.

Nasa cast ng movie si Solenn Heussaff na masayang makasama sa pelikula, lalo’t karamihan sa cast ay artista ng ABS-CBN. Very professional at masaya raw katrabaho sina Eugene Domingo, Maja Salvador, Paulo Avelino, at Jake Cuenca at ang dami niyang natutunan kaya kahit wala sa billing ang name niya, hindi magrereklamo. Hindi nga nito alam kung saan nakalagay ang name niya.

Pinayagan ng GMA Network, Inc. si Solenn na mag-promote ng movie sa ilang shows ng ABS-CBN na nakabili rin ng TV rights ng movie. Maggi-guest siya sa Bandila,  GGV, at dapat sa Buzz ng Bayan kaya lang pre-taped na ang show for tomorrow.

Anyway, magtatapos this November ang kontrata ni Solenn sa Kapuso Network at under negotiations ang new contract niya sa GMA. Tingnan natin kung magre-renew ng kontrata si Solenn sa Channel 7.

Mali-maling spiel ni Dennis ginamit sa kanyang pelikula

Mapapanood sa Sapi ang mga bad take ni Dennis Trillo na nagkakamali siya sa pagde-deliver ng kanyang spiel at hindi alam ng aktor na isasama ni director Brillante Mendoza sa movie.

Ginamit din ng director ang mga actual kuha ni Baron Geisler na gumaganap na cameraman ng kalabang network nina Dennis at Meryll Soriano.

Sabi pa ni direk Dante, hindi lang horror movie ang Sapi na showing sa Nov. 6, ipakikita rin ng pelikula ang effect na nagagawa ng network wars at pag-aagawan sa ratings ng TV networks.

 To be safe, sa shooting, ay nagdala ng rosary ang grupo nina Direk Dante, may asin, at ganun din ang lahat nang sinabi sa kanilang pangontra para hindi sila masapian. Handa sila spiritually pero may nakalusot pa rin.

vuukle comment

ANG MADAM CHAIRMAN

ANG THE MEGA AND THE SONGWRITER

BARON GEISLER

BASIL VALDEZ

BRILLANTE MENDOZA

CHRIS MARTINEZ

DENNIS TRILLO

NIYA

SOLENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with