^

PSN Showbiz

Matutupad pa ba ang happy ending ng Mga Basang Sisiw?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pagtatapos ng Mga Basang Sisiw ngayong Biyernes, dudukutin ng mga goons ni Vicky (Maxene Magalona) ang mga basang sisiw.

Hindi na nakita ni Froilan (Raymond Bagatsing) at Olivia (Lani Mercado) kung nasaan ang mga bata. Hawak na pala ni Vicky ang mga ito. Isang tawag mula kay Faye (Bianca Umali) ang magsasabi kay Olivia kung nasaan sila.

Samantala, makakatakas naman si Justin (Renz Valerio) sa goons ni Vicky. Mahahawakan ni Vicky si Olivia while in pursuit of Justin. Sa tulong ni Rigor (Mike Tan), masasagip niya ang apat na natirang basang sisiw at magkaka­tagpo sila ni Froilan.

Tatawag si Vicky kay Froilan upang magbigay ng kundisyon kapalit ni Olivia. Makikipagkita si Vicky kay Froilan na hawak si Olivia. Darating pa ang isang goon na hawak na rin ang tumakas na si Justin. Nasukol na si Froilan dahil hostage na ni Vicky si Olivia at ang panganay nilang anak.

Kaya’t sasama si Froilan kay Vicky kapalit ng kanyang mag-ina. Desidido ang mga bata na makuha ang kanilang ama at makumpleto sila. Ngunit may plano pala si Froilan na takasan si Vicky.

Sa pagtakas na ito ay magkakaroon ng habulan at mahoho-hostage ni Vicky ang isa sa mga basang sisiw. Mabubuo pa ba ang pamilya nila Olivia at Froilan? Matutupad ba ang happy ending ng mga basang sisiw?

 Huwag palagpasin ang huling araw ng Mga Basang Sisiw, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

Ka Freddie Aguilar haharapin ang magulangng menor de edad na karelasyon

Tiyak na pag-uusapan na naman ang episode ng Face the People ngayong Lunes dahil sa kauna-unahang pagkakataon, isang celebrity guest ang napapayag ng kontrobersiyal na programa na umupo sa “silya-de-konsensiya”.

Sa kauna-unahang pagkakataon, haharap ang Hari ng Pinoy Folk Singers na si Freddie Aguilar sa taumbayan upang sagutin ang mga intrigang ibinabato sa kanya matapos malantad ang kanyang relasyon sa isang menor-de-edad. Matatandaang marami ang pumuna at bumatikos sa nasabing relasyon ni Ka Freddie sa dalagang ito ngunit para sa kanya, “all is fair in love and war”.

Ito rin ang unang beses na makakaharap ni Ka Freddie ang ina ng karelasyon niyang menor-de-edad.

Siyempre, hindi rin pinalampas ng batang karelasyon ni Ka Freddie na magpahayag ng kanyang saloobin ukol sa isyu.

Kaabang-abang din ang magiging resulta ng Opinion Meter kung saan pinulsuhan ng Face the People ang saloobin ng taumbayan! Nararapat bang ipaglaban ni Ka Freddie ang pag-ibig niya o dapat na niyang itigil?

Ang sagot ni Ka Freddie sa tanong na ‘yan at marami pang ibang rebelasyon ang dapat n’yong tutukan ngayong Lunes, November 4, sa Face The People, 4:30 PM, sa TV5!

Dennis Padilla at Anna Banana Boy,magsasanay kasama ang Tondo Futkaleros

Paano hahalili bilang football coach ang isang aktor na walang alam sa naturang sport para sa isang team na lalaban sa isang aktwal na football game?

Paano makikisalamuha ang isang commercial model sa mga batang taga-Tondo?

Alamin ngayong Sabado (Nov. 2) sa I Dare You  kung saan makikita ang pagharap nina Dennis Padilla at Anna Banana boy na si Derek Lorenzo sa mga hamon ng pagbabago kasama ang Tondo Futkaleros, isang grupo ng mga batang masigasig na nagsasanay at naglalaro ng football sa mga kalye ng Tondo.

May karanasan sa  pangangasiwa ng isang sports team si Dennis ngunit higit siyang susubukin ng I Dare You sa kanyang pagbabalik sa kanyang kinalakhang lugar upang mamuhay at matuto ng football kasama ang Bidang Kapamilya na si coach Boy Balbin, isang maituturing na ‘unsung hero’ dahil sa kanyang dedikasyong sanayin ang Futkaleros sa sport nang walang kapalit. Magsasanay rin si Derek ng football at maninirahan kasama ang Futkaleros at tutulungan silang magbenta ng mga kakanin.

Masusubok ang lahat ng pinagdaanan at natutunan nina Dennis at Derek mula kina coach Boy at Tondo Futkaleros kapag nakipagbanggaan sila sa tanyag na De La Salle Zobel junior football team na ‘di hamak na mas kumpleto ang kagamitan kaysa sa kanila. Sa iba’t ibang pagsubok na pagdadaanan ng dalawa, matututunan nila ang kahalagahan ng tiwala sa sarili upang manalo ng sapatos, uniform, sports equipment, at vitamins para sa Futkaleros.

vuukle comment

DENNIS PADILLA

FROILAN

FUTKALEROS

I DARE YOU

ISANG

KA FREDDIE

TONDO FUTKALEROS

VICKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with