^

PSN Showbiz

Ex gf ni Charice na ‘Kana naaalala tuwing ipakikita ang pagkamatay ng kanyang tatay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Panoorin ninyo bukas ang Startalk dahil may interbyu kami kay Charice. Pumayag ang singer na kunan ng Startalk ang pagdalaw niya sa libingan ng kanyang ama sa isang memorial park sa Laguna.

Babae pa ang image ni Charice nang sumakabilang-buhay ang kanyang ama na si Ricky Pempengco. Hindi na naabutan ni Ricky ang pag-come out ng unica hija niya pero kung nasaan man siya ngayon ay siguradong maligaya ang tatay ni Charice dahil nabuhay siya sa physical appearance ng kanyang  anak.

Sobrang carbon copy si Charice ni Ricky mula nang panindigan niya ang pagiging tomboyita. Si Ricky pala at hindi ang kanyang madir na si Raquel ang kamukhang-kamukha ni Charice.

Two years na ang nakalilipas nang patayin si Ricky at kapag ipinapakita ang old videos ng kanyang libing, ang ex-girlfriend ni Charice na si Courtney Blooding ang umaalo sa singer na iyak nang iyak. Ang madir ni Charice ang nag-reveal sa publiko na nagkaroon noon ng relasyon ang kanyang anak sa American road manager nito.

Dindi mas gumanda habang nagkaka-edad

Nakita ko ang pictures ng New York vacation nina Boss Vic del Rosario at Joanne Quintas kaya alam ko na nakipag-dinner sila kina Dindi Gallardo at Samantha Lopez na matagal ng mga New York-based.

Kung kailan nagkaedad, saka naging bagets na bagets si Dindi na mas maganda ngayon kesa nang manalo siya ng Binibining Pilipinas-Universe crown noong 1993.

Sosyal na sosyal naman si Samantha Lopez na Kalokalike ni Phoemela Baranda nang i-reveal nito ang 15-year-old daughter na matagal na itinago sa publiko. I’m sure, hindi lamang ako ang nakapansin sa malaking pagkakahawig ni Phoemela kay Samantha.

Geoff nakaka-impress ang pagpayat

Na-impress ako kay Geoff Eigenmann nang mapanood ko sa 24 Oras ang report tungkol sa kanyang pagpayat.

Guwapung-guwapo ngayon si Geoff na physically fit na ngayon at puwede na uli na lumabas sa mga TV show ng GMA 7. Bumilib ako dahil nagawa niya na magbawas ng timbang. Talagang sineryoso niya ang pagpapapayat na dapat lang naman dahil ito ang puhunan niya bilang artista.

Inspirasyon na si Geoff ng mga katulad niya na naranasan na tumaba pero bumalik sa dati ang katawan dahil sa kanilang determinasyon na magkaroon ng malusog na pangangatawan.

 

Kahit walang binanggit na pangalan si P-Noy, halata naman na ang mga senador na isinasangkot sa pork barrel scam ang tinutukoy niya sa kanyang public address noong Miyerkules ng gabi.

Naglabas kahapon ng statement si Senator Bong Revilla, Jr. tungkol sa mga pahayag ni P-Noy.

Ang say ni Bong, “Hindi ako magnanakaw at wala akong ninakaw sa kaban ng bayan. Handa ako at haharapin ko ang anumang imbestigasyon upang linisin ko ang aking pangalan sa mga kasinungalingan laban sa akin.”

Rep. Lani mami-miss ang mga batang nakatrabaho

Maluwag na ang schedule ni Bacoor House Representative Lani Mercado dahil tapos na ang mga taping niya para sa Mga Basang Sisiw.

Mapapanood ngayong hapon sa GMA 7 ang ending ng Mga Basang Sisiw. Hindi ko pa alam ang next project ni Lani pero siguradong sa Kapuso Network pa rin dahil may exclusive contract siya.

Kung kailan patapos na ang Mga Basang Sisiw, saka ko nalaman na may international title ito, ang Lost Children. Tumagal ng limang buwan sa ere ang TV remake ng Mga Basang Sisiw dahil nagsimula ito noong June 3 at magwawakas ngayong Nov. 1.

Nag-enjoy si Lani sa tapings ng kanilang drama series kaya mami-miss niya ang kanyang co-stars.

vuukle comment

CHARICE

DAHIL

GEOFF

KANYANG

LANI

MGA BASANG SISIW

NEW YORK

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with