^

PSN Showbiz

Kaya inisplitan ni Derek?: Cristine at Gabby umaatikabo ang love scenes

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Mukhang pinapak nang husto ni Gabby Concepcion si Cristine Reyes sa pelikula nilang When The Love is Gone.

Aba sa mga nakita kung still photos, umaatikabo ang kanilang kissing scenes and love scenes na aakalain mo talagang magkarelasyon sila in real life.

In fact, almost 10 daw ang love scenes nila rito bukod pa sa mga eksena nila ng halikan.

Hindi kaya ang mga love scene at halikang ito nina Cristine at Gabby ang rason sa madaling natapos na relasyon nina Cristine at Derek Ramsay?

Hmmm. We never know unless magsalita sila. Baka sakaling sumagot na si Cristine sa presscon ng pelikula next week daw.

Anyway, ayon sa isang Viva insider, ang producer ng When The Love Is Gone na dinirek ni Andoy Ranay at showing November 27, malakas ang feedback ng pelikula tuwing ipalalabas ang trailer nito sa mga sinehan. Almost 1.5 million na rin ang nag-view ng trailer nito sa You Tube.

Inspired ang When The Love Is Gone sa classic film na Nang Magalit ang Buwan sa Haba ng Gabi na obra ng master na si Danny Zialcita na pinagbidahan noon nina Dindo Fernando, Laurice Guillen, Janice de Belen, Eddie Garcia and Gloria Diaz.

Nauna nang sinabi ni Cristine na ginawa niya ang lahat para sa pelikulang ito dahil bukod kay Gabby nakasama rin niya sa pelikula sina Alice Dixson, Andi Eigenmann and Jake Cuenca.

Kung sa No Other Woman ay totoong misis siya ni Derek at si Anne Curtis ang mistress, sa When The Love Is Gone, siya ang mistress ni Gabby kaya patalbugan sila ni Alice sa mga eksena na tunay namang asawa ang role.

“Parang hindi ako makapaniwala na kasama ko silang lahat sa pelikula. Parang overwhelming ‘yung feeling na makakatrabaho ko sila (Gabby and Alice) na sobrang tinitingala ko kahit noon pa,” sabi ni Cristine sa previous interview.

At talaga raw pasabog ang acting ni Cristine sa mga pinagagawa ni Direk Andoy. “I trust him, alam ko naman hindi niya gagawin ‘yung hindi puwedeng ipalabas. Pero wala akong sinet na limitations. Kung anong gusto nilang gawin ko, binigay ko talaga,” dagdag ng actress sa isang naunang interview.

Hindi raw  napanood ni Cristine ang original film Nang Magalit ang Buwan sa Haba ng Gabi.

Mas modern daw ang attack nila ngayon pero na-capture ang ganda ng istorya.

Annabelle Rama hindi pa suko sa pulitika

Uy hindi pa pala suko sa pulitika si Tita Annabelle Rama.

Ayon sa isang nakausap ko kahapon, kakandidato uli ito sa Cebu at ngayon pa lang ay gusto na nitong tumira sa Cebu.

Matagal-tagal na ring tahimik si Tita Annabelle pero sa November 7 ay haharap sa press ang pamilya Gutierrez para sa isang importanteng announcement.

ALICE DIXSON

ANDI EIGENMANN AND JAKE CUENCA

ANDOY RANAY

ANNABELLE RAMA

ANNE CURTIS

BUWAN

CEBU

CRISTINE

NANG MAGALIT

WHEN THE LOVE IS GONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with