^

PSN Showbiz

The Tim Yap Show gabi-gabi nang mapapanood sa GMA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Simula kahapon, Oct. 30, ay nag-umpisa nang mapanood gabi-gabi ang Kapuso late-night show na The Tim Yap Show kasama ang eventologist at showbiz insider na si Tim Yap.

Kasalukuyang nasa third season, makakasama ni Tim ang ilang members ng De La Salle University Green Archers na sina Arnold Van Opstal, Thomas Torres, at LA Revilla.

Hindi rin dapat palampasin sa mga susunod na gabi ang mga updates mula kay Nanette Inventor at ang kasalukuyang pinag-uusapang TV host-model na si Phoemela Baranda.

Maging Yap-dated mula Lunes hanggang Biyernes sa The Tim Yap Show na mapapanood na tuwing alas-dose ng hatinggabi sa GMA.

Rescue 5 aaksiyon sa Undas

Full force ang Rescue 5 sa alertong pagtulong at pagbibigay ng public assistance sa mga darayo sa sementeryo sa nalalapit na Undas. 

Mula Oct. 31 hanggang Nov. 1, ang Emergency Response Unit na ito ng TV5 News and Information (News5) ay magtatalaga ng mga 24-hour first-aid station at public assistance desk sa Manila North at South Cemetery.

Available sa publiko ang mga libreng serbisyo ng Rescue 5 tulad ng wheelchair assistance para sa mga senior citizen, blood pressure monitoring, drin­king water station (in partnership with Maynilad), libreng tawag (hatid ng Smart Communications), at electronic device charging (mula sa One Meralco Foundation).

“True to our commitment to what we call ‘cause journalism’, Rescue 5 will not just deliver news but will also provide assistance to our Kapatid who will visit cemeteries. People may also call the Rescue 5 hotline 922-5155 for any emergency,” sabi ng TV5 Public Service Head na si Sherryl Yao.

Sa pamamagitan din ng Aksyon sa Undas interstitials na ngayon ay umeere na sa TV5 at sa news channel nitong Aksyon TV, nagbibigay ang Rescue 5 ng safety tips sa publiko bilang paalala bago sila lumabas ng kanilang bahay at pati na rin ang mga dapat at hindi dapat gawin sa sementeryo.

Magpasikat week ng It’s Showtime, bumulusok sa ratings

Patuloy ang pamamayagpag sa ratings ng  It’s Showtime matapos subaybayan ng madlang peo­ple sa buong bansa ang pagpapasikat at pagpapatalbugan ng hosts ng buong Magpasikat Week na bahagi ng selebrasyon ng ikaapat nitong anibersaryo.

Wagi ang It’s Showtime sa national TV ratings na 14.3%.

Mas marami ring Pilipino ang nanood ng Kapamilya noontime program noong Sabado (Oct. 26) kung saan itinanghal na grand champion ng Magpasikat Week ang team nina Karylle, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz.

Nagwagi ang trio ng P200,000 para sa kanilang napiling charity dahil sa kanilang pinag-usapang performance kung saan nila kinanta nang pabaliktad ang theme song ng It’s Showtime.

Itinanghal namang first runner-up sina Vice Ganda at Kuya Kim Atienza na nagkamit ng P150,000, at second runner-up ang team nina Billy Crawford, Vhong Navarro, at Coleen Garcia na nakatanggap ng P100,000 para sa kanilang charity.

Nakatanggap din ng consolation prizes ang tambalang Anne Curtis-Jhong Hilario at Ryan Bang-Eruption Tai.

Ang Magpasikat Week ay taunang tradisyon ng hosts ng It’s Showtime upang markahan ang anibersayo nito.

vuukle comment

AKSYON

ANG MAGPASIKAT WEEK

ANNE CURTIS-JHONG HILARIO

ARNOLD VAN OPSTAL

BILLY CRAWFORD

MAGPASIKAT WEEK

SHOWTIME

TIM YAP SHOW

UNDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with