Phil hindi pa nakaka-move on, hindi tinatanggal sa profile ang picture nila ni Angel
Hanggang ngayon ay hindi pa rin inaalis ni Phil Younghusband ang profile picture niya sa kanyang Twitter na @PhilYHusband na magkasama sila ng kanyang ex-girlfriend na si Angel Locsin kahit nag-post na siya last Oct. 26 ng kanyang official statement na may kinalaman sa kanilang breakup ni Angel.
Kahit break na sila ni Phil, patuloy pa ring pina-follow ni Angel ang Twitter ni Phil. Kaya totoo marahil ang sinabi nila sa kanilang magkahiwalay na official statement na mutual decision ang kanilang paghihiwalay pero nananatiling magkaibigan.
Angelika mag-aaral na ng public administration
Kasama sina Angelika dela Cruz at Chris Tiu sa mga bagong halal na barangay chairman sa kanilang respective turf.
Angelika won landslide over her three other opponents sa kabila ng pagkakaroon ng threat sa kanyang buhay days bago ang barangay election kung saan inundayan siya ng saksak ng isang supporter ng kanyang katunggali. Mabuti na lamang at naging alerto ang ibang supporter ng singer-actress kaya hindi siya nasaktan.
Nagpapasalamat si Angelika sa kanyang mga constituents sa Brgy. Longos, Malabon sa suporta at pagtitiwala na ibinigay sa kanya.
Dahil pinasok na rin ni Angelika ang mundo ng public service, gusto niyang mag-aral ng public administration at sasamahan siya ng kanyang mister na si Orion Casario na very supportive sa kanya.
Ang mag-asawang Angelika at Orion ay may isang anak, ang kanilang four-year-old son na si Gabby.
Phoemela hinihintay ibuko ang tatay ng anak
Mabuti na lamang at hindi nagkimkim ng sama ng loob at naging rebelde ang 15-year-old daughter ng model turned TV host-actress na si Phoemela Baranda na si Kim sa kanyang ina dahil sa loob ng 12 taon ay pinaniwala siya na tiyahin niya ang kanyang ina. All those 12 years, napaniwala si Kim na hindi niya ina si Phoemela na ang kinagisnang nanay-nanayan ay ang namayapang ina ni Phoem.
Nakonsensiya marahil si Phoem sa matagal na niyang sikreto kaya lumantad na siya sa publiko para ihayag na siya ang tunay na ina ni Kim.
Kahit may anak na, nagbuhay-dalaga pa rin si Phoem at ipinaubaya ang pag-aalaga sa anak sa kanyang ina.
Kailan naman kaya ilalantad ni Phoem ang tunay na ama ng kanyang teenage daughter?
Personal…
Belated birthday greetings kina Crispina Belen (Oct. 24), Mario Hernando (Oct. 25), Boss Vic del Rosario, Jr. (Oct. 26), Angelika dela Cruz (Oct. 29), Aila Marie Reyes (Oct. 30), at happy birthday today, Oct. 31, kina Boy Abunda, Christopher de Leon, at Annabelle Rama. All the best!
- Latest