^

PSN Showbiz

Bahay ni Bea parang walang nakatira, showcase na showcase

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Parang showcase naman ’yung bahay ni Bea Alonzo na ipinakita sa Kris RealiTV kahapon. Ang ganda-ganda ng bahay, ang ayus-ayos, at kahit hindi mo na­aa­moy ay alam mong napakaba­ngo. May bata kaya sa bahay niya? Dahil kung may­ro’n ay matatagalan pa bago niya mai-display ’yung mga mamaha­ling gamit niya. Puwera na lamang kung iko-confine niya ang mga bata sa isang kuwarto lamang para hindi mawala sa ayos ang mga gamit niya o kaya ay masira’t mabasag ang mga ito.

Hindi kataka-taka kung magkaroon man siya ng mga mamahaling gamit. Napakarami niyang pro­jects. Hindi lamang sa TV kundi maging sa pelikula. Marami rin siyang endorsements at halata mong magaling siyang humawak ng pera kung kaya niya nabili ang kanyang bahay at ang mga laman nito. I’m sure kapag nag-asawa na siya ay hindi na ganung klase ng bahay ang gugustuhin niya kasi naranasan na niya. Hindi na isang showcase kundi isang practical house na maglalaman sa kanila ng mapapangasawa niya’t magiging mga anak.

Heard na pagtatambalin silang muli ni Dingdong Dantes. Maganda kasi ang tandem nila, may chemistry. Hindi ko pa nakikita na ganun kaguwapo ang Kapuso actor, at ganun din kaga­ling umarte. Mukhang ang ibang film production pa ang nakapagbibigay sa kanya ng magagandang film project kaysa ang film arm ng GMA.

Jason umalma sa pang-iismol

Tama nga naman na masaktan si Jason Fran­cis­co sa mga naririnig na pagmamalasakit kay Me­lai Cantiveros, ang babaeng nakatakda niyang pa­kasalan sa Disyembre matapos ang ilang taong relasyon nila na nagsimula pa nung nasa loob sila ng Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother (PBB).

Bagama’t wala naman sigurong masamang gustong ipakahulugan ang mga nagsabi ng kanilang agam-agam sa gagawing pagpapakasal ng PBB winner kay Jason, talaga namang hindi maiiwasan na hindi masaktan ang nakatakdang maging groom dahil nga parang sinasasabi nilang hindi niya makakayang pangatawanan ang pagi­ging asawa ni Melai, lalo na nang nabawasan na ang kanyang mga proyekto sa kanyang home studio na ABS-CBN. Nakadagdag pa rito ang pangyayaring nabawasan din ng trabaho si Melai dahil maselan ang kanyang pagbubuntis. At kung iisipin na bread winner siya ng pamilya na nagsisimula pa lamang umahon sa kanilang estado, tila tama nga silang mag-alala.

Naihinga ni Jason ang kanyang damdamin nang humarap muli siya sa media para sa bago niyang trabaho sa isang serye ng Ka­pamilya Network na Honesto. Magkasama sila ni Melai sa nasabing proyekto.

Dagdag pa ni Jason, “Normal na reaksiyon ng mga kaibigan ni Melai ’yun pero siyempre nasaktan ako. Pero kung noon ay nagawa kong bumuhay ng tatlong pamilya, bakit hindi ko makakaya ang dalawa lamang, si Melai at ang magiging anak namin?”

 

vuukle comment

BEA ALONZO

DINGDONG DANTES

JASON FRAN

MELAI

NIYA

PINOY BIG BROTHER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with