^

PSN Showbiz

Iba-ibang tradisyon ng Undas inalala ni Mother Ricky

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaalala natin ang mga sumakabilang-buhay na mga kamag-anak at kaibigan tuwing Nobyembre 1 kada taon na sa mga Katolikong bansa tulad ng Pilinas ay tinatawag na Undas (All Saints’ Day).

Samahan natin ang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) sa paglilibot sa iba-ibang lugar na may kani-kaniyang tradisyon sa araw na ito.

Dadalaw din ang host-producer na si Mader Ricky sa isang “hapi sementeryo” na may karnabal, live concert at tiyangge.

Tampok ang isang Australyanong designer na naka-display sa kanyang studio sa Kyusi ang mga nakakatakot na prosthetic obra niya na nagwagi ng award sa Hollywood.

Sa edad na 94 ay yumao si Madam Amada Enriquez Zabarte. Hanggang ngayo’y damang-dama pa rin ng kanyang anak na si Ricky ang kawalan at kalungkutan sa pagkawala ng ina na ayon sa kanya’y naging inspirasyon, huwaran at gabay sa hagdan paakyat sa tagumpay.

Sasariwain ni Mader ang magaganda at masa­sayang alaala ng butihing ginang na ang labi’y na­ka­lagak sa isang libingang nasa gitna ng isang man-made lake at palibot ng mga paborito nitong ha­laman sa Loyola Memorial Park, Marikina City.

Ang GRR TNT ay prodyus ng ScriptoVision at napapanood sa GMA News TV tuwing Sabado alas-9:00 ng umaga.

ALL SAINTS

AUSTRALYANONG

DADALAW

GANDANG RICKY REYES TODO NA TOH

HANGGANG

LOYOLA MEMORIAL PARK

MADAM AMADA ENRIQUEZ ZABARTE

MADER RICKY

MARIKINA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with