^

PSN Showbiz

Lea at Regine pasabog sa Perfect 10 ni Sarah!

SVA - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bongga ang mga guest ni Sarah Geronimo sa kanyang Perfect 10 anniversary concert sa Smart Araneta Coliseum sa Nov. 15. Pasabog as in dahil makakasama niya sina Lea Salonga, Regine Velasquez, at ang favorite duet partner ni Kelly Clarkson na si Jason Farol na kasalukuyang nasa bansa para mag-promote ng kanyang album.

Excited na raw si Sarah dahil first time niya makakasama sa concert ang international singer na kasama niyang coach sa The Voice of the Philippines. Si Regine na bagama’t nakakasama na niya sa mga dati niyang concert ay extra excited pa rin siya dahil ito lagi ang wini-wish niyang guest.

Tutok na tutok daw si Sarah ngayon sa rehearsal para sa series of concert niya – Perfect 10 – na mag-uumpisa sa Nov. 15 sa Araneta Coliseum, Nov. 30 sa MOA at Dec. 7 sa Cebu. Ang ilang ba­hagi ng kikitain sa kanyang Cebu concert ay ido-donate sa mga sinalanta ng lindol sa nasabing lugar.

Anyway, mabilis na nag-No. 1 last week ang Ikot-Ikot music video niya sa MYX nang mag-premiere ito last Friday. In fairness, tinalo raw ng video ni Sarah ang kina Britney Spears, Katy Perry, and Lady Gaga.

Malakas daw kasi talaga ang music video ng latest song ni Sa­rah G. na nagbalik ASAP last Sunday na agad-agad nag-trending sa twitter.

Kung sabagay, iba kasi ’pag nasa ASAP si Sarah. Iba ‘yung production number niya at marami talagang fans ang gustong pinapanood siya sa Sunday musical show ng ABS-CBN show.

Restaurant ng aktor sa sosyal na mall hindi gaanong tinatao

Parating walang kumakain sa restaurant na pag-aari ng aktor sa isang high end mall sa Makati. Kahit lunch time, matumal ang pasok ng costumers sa restaurant ni actor.

Madalas lunch time ako napapadaan sa restaurant, at mangilan-ngilan lang ang kumakain. Never ko pa itong nakitang napuno sa tanghali. Samantalang kung tutuusin, dapat puno ang lugar pag lunch time.

Well baka naman sa gabi mas marami itong costumer. Kasi sa renta pa lang sa lugar siguradong expensive eh kung kakaunti ang kumakain.

Mga bagets may tsansa nang mag-Miss Earth!

Para ito sa mga kabataan na may ambisyon na maging beauty queen. Ito na ang chance ninyo.

Tinatawagan ang lahat ng mga dalaga at batang Pilipina na may ang­king ganda, talino, at pagpapahalaga sa ating kalikasan. Dalawang bagong paligsahan ang inilunsad upang itaguyod ang kagandahan at ta­lento ng Pilipina at ang pangangalaga sa kalikasan.

Ito ay ang Miss Teen Earth Philippines at ang Little Miss Earth Philippines na para sa may edad na apat hanggang 17 taong gulang na maaaring maging “earth ambassadors.”

Sa isang press conference na ginanap sa Gandiva Café, inihayag ni Vas Bismark, presidente ng Captured Dream Productions at ang trademark owner ng naturang paligsahan, na layunin ng Miss Teen Earth Philippines at Little Miss Earth Philippines na ituro sa mga kabataan na ang kagandahan ay hindi lamang makikita sa pampisikal na anyo kundi pati na rin sa pag-iisip, salita at pagmamahal sa kalikasan.

“Sa tulong ng kumpetisyon na ito, nais naming ipaalam sa publiko ang iba’t ibang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Gusto namin mag­lunsad ng mga proyekto na makakatulong sa paglikha ng isang mas malinis at mas mainam na kapaligiran,” sabi nang namumuno para sa bagong competition para sa mga bata.

Ang kumpetisyon, na may slogan na Our Nature, We Nurture ay bukas sa mga kabataan sa buong bansa. Para makahanap ng mga kandidata, magsasagawa sila ng regional search kung saan ang mga kandidato ay maglalaban sa apat na kategorya: casual wear, formal wear, regional costume na gawa sa recycled o organic na mga materyales, at ang question and answer portion.

Ang mga mananalo sa regional search ay makakasama sa national search. Isang non-finalist ang magkakaroon ng pagkakataon na maging wildcard candidate. Ang pagpili sa naturang wildcard ay gagawin sa pamamagitan ng online at text voting at ipapaalam sa publiko sa Grand Pageant Night.

Ang mga kalahok sa Miss Teen Earth Philippines ay dapat isang Pilipina, edad 13 hanggang 17, single at residente ng munisipalidad na kanyang kinakatawan na hindi bababa sa isang taon. Ang mga nais naman lumahok sa Little Miss Earth Philippines ay dapat apat hanggang siyam na taong gulang, kasalukuyang naka- enrol sa paaralan o home-based program, at residente ng munisipalidad na kanyang kinakatawan na hindi bababa sa isang taon.

Ang Grand Pageant Night ay gaganapin sa Mayo 2014. Ang tatanghaling Ms. Teen Earth Philippines 2014 at Little Miss Earth Philippines 2014 ay makakatanggap ng P250,000 bawat isa at talent contract handog ng Captured Dream Productions. Ang mananalo bilang Ms. Teen Earth ay makakatanggap din ng kaukulang pondo para sa kanyang napiling proyektong pangkapaligiran sa kanyang local na komunidad.

Para detalye tungkol sa naturang kumpetisyon, tumawag sa 09228736617 at hanapin si Bb. Jen o sumulat sa [email protected] o [email protected].

DREAM PRODUCTIONS

EARTH

LITTLE MISS EARTH PHILIPPINES

MISS

MISS TEEN EARTH PHILIPPINES

PARA

PHILIPPINES

PILIPINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with