^

PSN Showbiz

Michael V. ginagaya sina Vic at Joey!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi exclusive ang kontrata ni Michael V. sa GMA kaya naging posible ang pagtanggap niya ng programa sa TV5 kung saan niya nakatakdang i-host ng local version ng Killer Karaoke, Pinoy Naman.

Bitoy (Michael V.) has three regular TV shows sa Kapuso Network, ang longest-running gag show na Bubble Gang na sinimulan at pinagsamahan nila ni Ogie Alcasid for almost 18 years before the latter decided na lumipat ng TV5, Pepito Manaloto  at ang longest-running noontime show na  Eat Bulaga na produced ng  TAPE, Inc. na pinamumunuan ni Tony Tuviera. Si Tony din ang big boss ng APT Entertainment na co-producer ng Killer Karaoke, Pinoy Naman na ididirek ng kanyang anak na si Mike Tuviera.

Ginagaya ni Bitoy sina Vic Sotto at Joey de Leon na walang exclusive contract with any TV network kaya libreng-libre silang tumanggap ng offer o magtrabaho sa ibang TV network. Sina Vic at Joey ay parehong nasa Eat Bulaga. Napapanood si Vic sa isang weekly sitcom na Vampire ang Daddy Ko at si Joey sa showbiz talk show Startalk pero may kanya-kanyang sariling TV program din sila sa TV5.

Not everybody knows na si Bitoy (Beethoven Bunagan in real life) ay nagsimula sa Eat Bulaga nang siya’y sumali sa isang rap contest sponsored ng isang sabon.  

Sa kabila ng pagiging abala ni Bitoy sa kanyang trabaho, he makes it a point na may panahon siya sa kanyang pamilya. Once or twice a year ay bumibiyahe sila sa ibang bansa as part of their bonding time.

Katrina nabantilawan sa miss X, bumagsak kay Cristine

Si Katrina Halili ang unang choice noon ni Orly Ilacad para gampanan ang role ng Miss X which was originally portrayed by Vilma Santos at idinirek ni Gil Portes at kinunan pa sa Amsterdam. Things changed. Ang material ay dinala ni Direk Gil kay Boss Vic del Rosario ng Viva Films na agad kinuha para kay Cristine Reyes. Si Cristine ay isa sa mga prized possession ng Viva. Pero dahil busy ngayon ang nakababatang kapatid ni Ara Mina, the project has to wait dahil magiging busy ito sa promo ng pelikulang Where the Love is Gone  at tinatapos ang Trophy Wife na kabituin niya ang kanyang ex-boyfriend of one month na si Derek Ramsay. Kasama rin siya sa December filmfest movie ng Viva Films, ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy at meron siyang tumatakbong teleserye sa Dos, ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Willie ibinuko ng sariling anak

Ano kaya ang nararamdaman ng TV host-comedian-turned businessman na si Willie Revillame na ibinuko ng sarili niyang anak na hindi siya tinutulu­ngan sa kanyang pag-aaral sa London, England?

Mas gusto ni Willie na manatili na lamang ng Pi­lipinas si Meryll Soriano at tumulong sa pagma-manage sa kanyang ne­­­gosyo. Wala naman daw problema kay Meryll pero gusto niya munang tapusin ang kanyang pag-aaral sa London. Dahil dito, pinabayaan na umano ni Willie ang desisyon ng anak pero hindi na ito nagbigay ng tulong pinansiyal kaya napilitan ang anak na magtrabaho muna bilang aktres para makapag-ipon for her schoo­ling sa London.

Bilang single parent, gusto rin siyempre na ma­big­yan ni Meryll ng magandang kinabukasan ang kanyang lumalaking anak sa ex-husband na si Bernard Palanca.

Pagkapanalo ni Eugene magandang regalo sa bagong kasal

Magandang wedding gift sa writer-director na si Jun Lana at sa kan­yang partner of 10 years na si Perci Intalan ang panalong best actress ni Eugene Do­mingo para sa pe­likulang Kuwentong Barbero (Bar­ber’s Tale) sa nakaraang Tok­­yo International Film Festival.

 Sa Tokyo tumuloy ang bagong kasal in New York City, USA na sina Direk Jun at Perci para sa recently concluded Tokyo International Film Festival.

Samantala, although tanggap sa New York City at sa ibang bansa ang same-sex marriage, hindi pa rin ito recognized sa Pilipinas.

 

BITOY

EAT BULAGA

KANYANG

KILLER KARAOKE

MICHAEL V

NEW YORK CITY

PINOY NAMAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with