Prince William piniling kargahin na lang ang baby sa binyag kesa gamitin ang mamahaling stroller
MANILA, Philippines - Pinakabonggang baby ang anak nina Prince William at Kate Middleton na si Prince George. Only the best nga lang ang ibinibigay nila sa kanilang munting prinsipe kaya binilhan nila ito ng top of the line baby pram from Silver Cross Balmoral na nagkakahalaga ng $2,350.
Ang naturang luxury stroller, ayon sa John Lewis’ website, ay isa sa pinaka-in demand na stroller na gusto ng Hollywood stars at members ng Royal family.
“This stunning pram is the perfect example of stately elegance and noble good looks, teamed with masterful engineering,†ang description sa stroller ni Prince George.
Pero hindi na ginamit ng Royal Couple ang mamahaling stroller sa christening ng kanilang anak sa St. James’ Palace noong Oct. 23. Mas ginusto ni Prince William na kargahin ang munting prinsipe na suot ang white satin and Honiton lace baptismal gown.
Ginamit nila ang stroller nang ipasyal nila si Prince George sa garden ng Kensington Palace.
- Latest