Ser Chief bonus sa sariling resto
May bagong restaurant sa Tomas Morato sa Quezon City na talaga namang nagiging paboritong puntahan lalo na ng mga Tsino hindi lamang dahilan sa mga masarap na Chinese cuisine na isinisilbi rito kundi ang tsansa na baka sa pagkain nila dun ay mabigyan pa sila ng malaking bonus na makita ang isa na nagmamay-ari ng lugar, ang pamosong aktor sa TV na si Ser Chief o Richard Yap.
Yes, ang Wang Fu ang isa sa bagong business venture ng Fil-Chinese actor at binuksan ito kamakailan at isa sa unang nag-feature nito sa kanyang TV show ay si Kris Aquino. Hindi lang naman si Kris ang kinaringgan ko ng papuri sa mahusay na serbisyo at masarap na pagkain ng lugar kundi maging ang kasamahan ko rito sa PSN na si Lolit Solis. Mahilig din akong kumain kaya makasisiguro kayong pupuntahan ko ang Wang Fu, one of these days, kasama ang aking mga bruhang sekretarya na tagaÂhanga rin ni Richard. Ang lapit lang nito sa GMA ha?
Mga anak ni Cesar hindi natinag sa aftershocks
Hindi si Sunshine Cruz ang kaisa ni Cesar Montano sa layuning makatulong sa mga Boholano, dahil sa naging karanasan nito sa isang 7.2 magnitude na lindol na sumalanta sa probinsiya kamakailan, kundi ang tatlo niyang mga anak na babae.
Natakot ang mga bata dahil habang namamahagi sila ng tulong ay maraÂming aftershocks ang kanilang naramdaman pero hindi ito magiging dahilan para hindi sila bumalik ng Bohol para sa mga susunod pa nilang pagtulong. Good work, girls! Thank your dad, too.
‘Huwag mo nang ulitin ang mga naging pagkakamali mo’
Uy, badminton player naman ang sinasabing kinabaÂbaliwan ngayon ni AiAi delas Alas. Ako, hindi ko siya kokondenahin at pagsasabihan na hindi na ba siya nadala? Hindi ko naman kontrolado ang puso niya na talagang ang tipo yata ay mga lalaking mas nakababata sa kanya. Hindi komo hindi naging matagumpay ang pinakahuling pagpapakasal niya ay papatayin na niya ang puso niya.
Huwag naman, I will give her the benefit of the doubt pero at the same time I will wish her good luck. And if I may, too, here’s a piece of advice: Umibig ka, go on, pero sana ay may natutunan kang leksiyon sa mga naging karanasan mo. Huwag mo nang ulitin ang mga naging pagkakamali mo.
Robi nakakaiwas sa tukso dahil sa volleyball player na GF
Mukhang in love na in love naman si Robi Domingo sa kanyang girlfriend na isang mahusay na volleyball player. Pinasasalamatan niya ang magandang impluwensiya nito sa kanyang buhay. Good for him, at last may guardian angel siya para ’di siya malihis ng landas. Alam n’yo naman sa showbiz, masyadong maraming tukso. But with his girlfriend by his side ay tuwid na daan ang nagagawang tahakin ni Robi.
Good luck sa inyo at sana tumagal ang relasyon n’yo!
- Latest