Mark Herras hindi nakapagpigil, pumatol sa taxi driver!
PIK: Successful ang Sagip Bohol benefit concert na binuo ni Cesar Montano nung nakaraang Biyernes sa Teatrino sa Greenhills, San Juan City.
Nakaka-touch ang pagdagsa ng singers at ilang stage performers para magbigay kasiyahan sa mga bumili ng tickets bilang tulong sa mga nasalanta ng lindol sa Bohol.
Ang isa pang ipinagpasalamat ni Cesar, karamihan sa mga nag-perform doon na walang talent fee ay nagbigay pa sila ng tulong para makalikom ng sapat na salapi.
Personal na pumunta si Dingdong Dantes para iabot lang kay Cesar ang tulong pero hindi na siya nag-perform.
Marami pa raw ang nagpadala para makapagbigay ng kanilang tulong sa fund-raising project na ito ng actor/director.
PAK: Inamin ni Paolo Contis sa presscon ng Villa Quintana na meron na siyang bagong karelasyon.
Non-showbiz ito, kaya ayaw na niyang sabihin kung sino dahil mas gusto na private na lang, at para na rin sa proteksiyon nila ni Lian Paz dahil ongoing pa ang kanilang annulment case.
“I’m in a middle of a case, so I cannot speak about anything for everyone’s protection. I guess it speaks naman na okay ako at masaya ako,†pahayag ng aktor.
Open daw sila ni Lian sa kani-kanilang relasyon kaya wala naman silang problema. Nag-uusap sila pagdating sa kanilang dalawang anak.
BOOM: Nagpiyesta ang mga kibitzer sa eksena sa labas ng GMA 7 nung isang hapon na kung saan merong nakabangga si Mark Herras na taxi driver.
Hindi nakapagpigil si Mark sa pagiging maangas ng taxi driver na muntik nang bumangga sa kotse niya malapit sa GMA 7.
Naghamon pa itong taxi driver at talagang hindi tinigilan ang dancer-actor. Kaya sinugod niya ito na may dalang kahoy pero pinipigilan ito ng security guards.
Ang daming nakasaksi at ang daming nagkuha ng video sa kanilang cell phone kaya hindi nakakapagtaka na isa sa mga araw na ito ay may lalabas sa YouTube ang video na iyon na nagwawala si Mark.
Pero napuno na kasi ang Kapuso actor sa inasal ng taxi driver kaya nagawa niya iyon.
- Latest