^

PSN Showbiz

Phoemela inilantad na ang 15 anyos na anak

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Babe ni Freddie Aguilar mukhang hindi disisais!

Oh my, may kinse anyos na palang anak ang model and TV host na si Phoemela Barranda. Kahapon sa programang Buzz ng Bayan ay umamin itong umiiyak. Andun din ang kanyang anak na kamukhang-kamukha niya.

Ang tagal ding naitago ni Phoemela ang bagets na parang ang bait-bait. Hindi ko lang naabutan kung binanggit niya kung sino ang ama ng anak niya.

Actually, noon pa nagsi-circulate na may anak si Phoemela pero ngayon lang talaga kinumpirma kaya hindi na rin na-shock ang iba.

Samantala, nakakaawa naman ang naging kapalaran ng girlfriend ni Ka Freddie Aguilar sa nasabing talk show dahil I’m sure nag-effort itong mag-makeup pero dahil menor de edad ay prinotektahan kaya blurred din ang mukha niya at nilagyan pa ng effect ang boses. Actually, kahit pinalabo, mukhang hindi 16 years old ang babe na ito ng singer na parang nag-e-enjoy sa attention na natatanggap.

Solenn gustong magkaroon ng solo painting exhibit

Gustong magkaroon ng sariling painting exhibit ni Solenn Heussaff. Kung paramihan din lang ng paintings ang pag-uusapan, marami nang koleksiyon ang Kapuso actress pero marami na rin siyang naipamigay.

’Pag hindi siya busy, painting ang kanyang pinagkakaabalahan. At least two days bago siya makabuo ng isang piraso.

Walang formal schooling on painting si Solenn pero ito talaga ang interest niya.

“Gusto ko talaga ng solo exhibit, pero sana soon,” sabi ng model-actress-singer.

Aside from painting, kasosyo si Solenn sa bagong bukas na restaurant sa Rockwell, Makati City na Hatch 22 with his brother Erwan na boyfriend ni Anne Curtis.

Busy ngayon si Solenn sa promo ng pelikula nilang Status: It’s Complicated na showing na sa Nov. 6.

Ellen Adarna na-bore raw sa showbiz kaya nawala

Kabi-kabila ang guesting ng model-actress na si Ellen Adarna. Kaya lang, parang wala namang nangyayari sa career niya. Kelan lang ay controversial ang kanyang statement tungkol sa mga kasamahan niya sa GMA 7 at umamin pa na gumamit nga raw siya ng drugs. Kagabi ay guest naman siya ni Edu sa What’s Up Doods? — ang pinakabagong late-night comedy talk show ng TV5 — at palaban siyang humarap sa isang no-holds-barred interview sa batikang si Edu Manzano.

Pero hindi natinag si Edu sa pakay niyang literal na “hubaran” ang totoong pagkatao ng sex nymphet.

Isang taon din palang nawala sa eksena si Ellen dahil na-bore at nawalan ng challenge sa pag-aartista. Hanggang sa kunin nga siya ni Direk Gil Portes para sa indie movie na Ang Tag-Araw ni Twinkle.

Doon lang niya na-realize na mahal niya ang pag-arte kaya she is back with a vengeance although magiging mapili na siya sa kanyang mga project.

Well, mas sumeksi naman ang hitsura si Ellen ngayon dahil pumayat siya ng 10 lbs. Tinawag daw kasi siya ng ex-boyfriend niya na “potato”.

Ilang panahon na rin siyang loveless dahil kadalasan daw ay nasasakal siya sa pakikipagrelasyon. Pinagpapantasyahan man dahil sa angking kagandahan at kaseksihan, very loyal naman si Ellen sa kanyang partner.

Siguro raw, kailangan lang niyang makatagpo ng isang confident at secure na lalaki. Hindi rin issue sa kanya kung mas may edad ito sa kanya dahil minsan na siyang nakipag-date sa isang guy na 20 years ang tanda sa kanya.

Naging inspiring naman ang interbyu ni Doods kay Atty. Roy Torrentira, 30 years old, tubong-Bohol na nagpursige’t binuno ang lahat matupad lang ang pangarap na maging isang abogado.

Nariyang magtrabaho siya bilang katulong sa isang pamilya, manilbihan bilang all-around aide sa isang karinderya na naghuhugas ng pinggan, nag­linis ng CR, at naging tindero ng sorbetes, matustusan lang ang sarili sa kolehiyo.

Nag-sideline ring taxi driver si Atty. Roy habang nag-aaral ng abogasiya sa Adamson University. Nang pumasa sa bar, kinuha siya bilang associate sa law firm ng naging professor niya.

Ngayon, nagbibigay siya ng libreng legal assist­ance sa mga nangangailangan.

“Paying it forward” ang tawag ni Roy sa ginagawa bilang pasasalamat na rin daw sa mga taong hindi nagdamot ng tulong nung mga panahong walang-wala siya.

 

ADAMSON UNIVERSITY

ANG TAG-ARAW

ELLEN ADARNA

ISANG

LANG

NIYA

SIYA

SOLENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with