^

PSN Showbiz

Mga pulitiko malaki ang matitipid sa laban ni Pacman sa Macau

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Inaabangan na ng mga mahihilig sa boxing ang Face Off ng HBO. Ipapakita sa Face Off ang  interview ni Max Kel­lerman kina Congressman Manny Pacquiao at Brandon Rios.

Si Brandon ang makakaharap ni Papa Manny sa boxing match na magaganap sa Venetian Macao CotaiArena sa Macau, China.

Mapapanood ang Face Off sa HBO sa November 2 at naka-book na ang flight sa Macau ng mga Pinoy na panonoorin ang Pacquiao-Rios fight sa November 23.

Asahan natin na maraming pulitiko ang pupunta sa Macau dahil napakalapit nito sa Pilipinas. Sa pamasahe pa lang, malaki na ang matitipid ng mga politician na susuporta sa laban ni Papa Manny.

Kung ang Amerika nga napakalayo, napupuntahan ng mga kongresista, ang Macau pa kaya?

Isabelle hinihintay na sa kabilang network

Sikat na sikat na ang tandem nina Isabelle Daza at  Val sa Eat Bulaga. Mabentang-mabenta sa televiewers ang mga showdown nila.

Marami ang naloka kahapon kay Isabelle na iyak nang iyak at sobrang sintunado nang kumanta siya.

Hindi madali ang ginawa ni Isabelle na lumabas sa Eat Bulaga ang pagiging natural comedienne. Winner na winner sa televiewers ang mga pasabog nila ni Val.

Sa wakas, dumating na ang break na pinakahihintay ni Isabelle na malapit na yatang matapos ang kontrata sa GMA 7. May isang TV network na nakaabang sa expiration ng kontrata ni Isabelle sa Kapuso Network dahil interesado sila sa anak ni Gloria Diaz.

Paolo hindi na umabot sa demandahan ang problema sa ex

Starring si Paolo Contis sa Villa Quintana, ang bagong afternoon te­le­serye ng GMA 7 na magsisimula sa November 4 at ipapalit sa Mga Basang Sisiw.

Challenging ang role ni Paolo sa Villa Quintana dahil ipapakita niya ang husay sa drama. Siya ang karibal ni Raymart Santiago sa puso ni Sunshine Dizon.

May common deno­minator sina Paolo at Raymart, parehong single ang dalawa dahil hiwalay na sila sa kanilang mga asawa.

Ang pagkakaiba lang, hindi masyadong naging ma­salimuot ang paghihiwalay nina Paolo at Lian Paz. Hindi umabot sa korte ang kanilang problema. Hindi kagaya nina Raymart at Claudine na nagpapalitan ng mga demanda.

Driver ni Sharmaine patay sa aksidente

Nagluluksa si Sharmaine Arnaiz at ang kanyang pamilya dahil sa biglang pagpanaw kahapon ng family driver nila.

Nabangga ng sasakyan ang mo­tor­siklo na minamaneho ng driver ni Sharmaine at sa kasamaang palad, binawian siya ng buhay.

Humihiling si Sharmaine ng dasal para sa driver na kapamilya na ang turing nila.

Dingdong tumulong sa Sagip Bohol

Sinuportahan ni Dingdong Dan­tes noong Biyernes ang Sagip Bo­ol, ang fundraising event para sa mga kababayan natin sa Bohol na nasa­lanta ng ma­lakas na lindol noong October 15.

Sina Cesar Montano at Noel Cabangon ang organizers ng Sagip Bohol. Hindi na umakyat si Dingdong sa stage. Ibinigay lang niya kay Cesar ang kanyang contribution na malaking tulong.

May mga celebrity na hindi nakarating sa Sagip Bohol pero nagpadala ng financial help. God bless them. Hindi sila katulad ng mga showbiz personality na dinedma ang mga text message at imbitasyon ng production staff ng Sagip Bohol.

Erik may ipakikilalang girlfriend sa kanyang concert

Natanggap ko na kahapon ang imbitasyon ni bestfriend Pinky Tobiano para sa 10th anniversary concert ni Erik Santos.

Friend ni Mama Pinky si Erik kaya suportado niya ang concert ng  Prince of Pop. Ang PICC Plenary Hall ang venue ng inTENse concert ni Erik sa November 9. Ipakilala na kaya ni Erik sa concert niya  ang kanyang special someone, kung meron man?

Sa sampung taon ni Erik sa entertainment industry, isa lang ang na-link sa kanya, si Rufa Mae Quinto at hindi na ito nasundan. May alam ako na romantically linked noon kay Erik pero hindi puwedeng isulat dahil sure ako na marami ang magre-react.

ERIK

FACE OFF

SAGIP BOHOL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with