Actress sinaway ng mga boss na bawasan ang sobrang pagpapasosyal
MANILA, Philippines - Ipinatawag pala ng mga bossing ng isang network ang alaga nilang aktres na bida sa primetime serye. Pinagsabihan daw ang actress ng mga bossing na ibaba ang level ng acting as in magpaka-jologs ng konti para maka-relate naman sa acting niya ang masa.
Masyado raw sosyal si actress sa kanyang role kaya hindi sumasakto sa kanyang pino-portray na character sa serye.
Kaya kung mapapansin daw ninyo, medyo nabawasan na ang mga sosyal na kilos at panaÂnalita ni aktres sa pinagbibidahan nitong serye.
Pinu-push kasi raw talaga ang serye ni actress kaya bantay-sarado ang acting niya sa mga bossing.
Isyu kay ka Freddie pinagsasawaan na
Patapos na ang isyu kay Lolo Freddie Aguilar matapos siyang idemanda ng isang abogado ng qualified seduction.
Pinatulan naman ang demanda, pero hindi na gaanong pinagpiyestahan. Malamang na nagsawa na ang mga tao at na-realize na may mas maraming bagay na dapat pagtutuunan ng pansin.
Saka hindi aktibo sa social media si lolo Freddie kaya hindi rin naman niya nababasa ang mga panlalait ng mga taong nag-aaksaya ng oras sa pag-e-internet makasawsaw lang sa mga isyung hindi naman nila problema. Hanggang TV at dyaryo lang ang legendary singer kaya madaling matatapos ang isyu.
Hindi po ako na stroke! – Direk Wenn
Hindi naman pala na-stroke si Direk Wenn Deramas contrary sa mga naglabasan na inatake raw ang magaling na director na kasalukuyan pang palabas ang obra at pinupuri-puri, ang Bekikang na pinagbibidahan ni Joey Paras.
“Ako’y Lubos na natutuwa at Nagpapasalamat.sa dami ng nag-alala, nagmahal, dumalaw, nagpapadala ng prutas (mukha ng fruit stand ang kwarto ko) dahil sa pagkakasakit ko.
PERO! Ang Ikinaloka ko ay ng malaman kong ang alam pala ng mga tao sa labas, ganundin ang lumabas sa TV na ako ay nagka Stroke! HINDI PO AKO NA STROKE! May PNEUMONIA ako ngayon at un ang ginagamot kaya naka confine ako. Kaya sa mga sobrang nag alala, pasensya na kayo, mali ang CHISMIS NA NAKUHA NYO,†sabi ni direk sa kanyang Facebook account na nakalikha ng isang magandang movie. Ibang-iba ang Bekikang sa mga nauna niyang pelikula na Ang Tanging Ina Mo at ang mga pelikula ni Vice Ganda.
Nagkasabay-sabay daw kasi ang trabaho niya at na-realize niya na tao rin siya at nagkakasakit.
Sarah kapos sa ebidensiya
“The contention of complainant Sarah A. Lahbati that she was compelled and forced by means of threats and intimidation by respondents to sign a ‘co-management contract with ICONS’ is not supported by her own evidence. Her contention is untenable,†sabi sa sampung pahinang desisyon ni QC First Assistant City Prosecutor Meynardo Bautista Jr. sa reklaÂmong grave coercion ni Sarah Lahbati against GMA Films President Anna Teresa Gozon-Abrogar, Icons Celebrity Marketing (ICONS) officials Albert Muñoz, Shiela Beundia, and Andrew Dee, and former GMA Talent Development and Management Department head Arsenio Baltazar III and Lahbati’s former handler Michael Uycoco.
- Latest