Regine kumanta ng libre para sa mga guro
MANILA, Philippines - Ang Gabay Guro grand gathering na gaganapin sa Mall of Asia Arena ngayong araw ang magsisilbing venue ng grand launch nang ginawang kanta ng mag-asawang Raul at Cacai Mitra na pinamagatang Believing in Me.
Ini-record nang walang bayad ng nag-iisang Songbird na si Regine Velasquez ang kanta bilang kanyang regalo sa mga guro. Ito ay nagsasalamin sa puso ng bawat isa sa atin ng pasasalamat sa mga bayani ng silid-aralan. Ang mga guro na naghirap at nagbigay ng dedikasyon sa halos buong buhay nila para lang sa larangan ng edukasyon. Sisimulan ang ceremonies sa pagpapalabas ng video ni Regine.
Ang Believing in Me na rin ang opisyal na kanta ng pagpupugay para sa mga guro ng PLDT Gabay Guro.
Ayon kay Chaye Cabal-Revilla, PLDT Gabay Guro Chairman, sila ay labis na naantig sa mensahe ng kanta at lubos na nagpapasalamat sa lahat nang sumuporta para mabuo ang kantang parangal na ito. “It is really so nice of Regine and of the talented couple to accommodate us with this beautiful song. It sums up pretty much all we have to say about our teachers. We are making it the official theme song of the Gabay Guro,†dagdag pa niya.
Umayon rin ang Chairman ng PLDT na si Manny V. Pangilinan sa pagpapasalamat sa mga bumuo ng kanta. Siya ang nasa likod ng pagbuo sa Gabay Guro at inaming isa sa mga paborito niya. At tulad ng mga nakaraang taon ay dadalo siya sa selebrasyon upang magbigay ng lubos na suporta para sa mga guro.
Ang nilalaman ng kanta ay pawang mga karanasan ng bawat mag-aaral na nakadama ng pagmamahal at pag-aaruga mula sa kanilang mga guro hanggang tumanda. “Our teachers are like parents to us most of the time, molding us and helping us to believe in ourselves. For that alone, we truly are grateful to our teachers,†ayon sa mga songwriters.
Ang Gabay Guro grand gathering ay isang taunang selebrasyon kung saan tinatayang 30,000 na mga guro ang nakikiisa para sa isang araw na puno ng inspirasyon, kasiyahan, kantahan, libangan at malalaÂking papremyo. Ang grand prize sa taong ito ay isang house and lot mula sa Stateland, Inc. at bagong Foton utility van. Kasama ang mga bigating artista sa pagpapasaya at pagbibiÂgay-aliw sa mga guro sina Anne Curtis, Marian Rivera, Judy Ann Santos, Derek Ramsay, Edu Manzano, Martin Nievera, Pops Fernandez, Jolo Revilla, and hunks Rocco Nacino, Daniel Matsunaga, Vin Abrenica, Victor Silayan, and John James Uy.
- Latest