^

PSN Showbiz

Ted, hihimayin ang leptospirosis outbreak sa Olongapo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hihimayin ni Ted Failon ang nakaka-alarmang Leptospirosis outbreak sa Olongapo City kung saan 11 katao na ang namatay sa Failon Ngayon ngayong Sabado (Oktubre 26).

Sa kasalukuyan ay nakapagtala na ang lungsod ng 630 kaso ng Leptospirosis na kalimitang nakukuha sa paglusong sa tubig-bahang kontaminado ng ihi ng mga hayop. Ano ang sanhi kung bakit tinamaan ng epidemya ang Olongapo City gayung hindi naman madalas bahain ang lugar kumpara sa Maynila na kaunting ulan lang ay binabaha na?

Susuriin din ni Ted ang mga kaso ng pagpaslang at diumano’y mga paglabag sa batas pang-eleksyon na kaugnay sa nalalapit na halalan sa mga barangay ngayong Lunes.

Tatalakayin din ni Ted ang mga pinagdaraanan ng mga kandi­data sa mga beauty pageant kung saan kakapanayamin sa episode ang ilang Pinay na humaling sa pagsali sa mga ganitong pa­ligsahan.

Bubusisiin din sa episode ang paghihigpit ng Bureau of Internal Revenue sa pangongolekta ng buwis sa mga tiangge nga­yong panahon ng Kapaskuhan at ang nalalapit na halalan sa Ba­rangay.

Sa mga isyu ngayon, lahat tayo may pakialam. Kaya panoorin ang mas matapang, mas walang takot at mas matinding Failon Ngayon ngayong Sabado (Oktubre 26), 4:45 p.m. pagkatapos ng SOCO sa ABS-CBN.

ANO

BUBUSISIIN

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

FAILON NGAYON

OKTUBRE

OLONGAPO CITY

SABADO

TED FAILON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with