Freddie at menor de edad na gf, nag-a-ala Romeo and Juliet!
Parang naging Romeo and Juliet ang kuwento ng pag-ibig nina Ka Freedie Aguilar at ng kanyang 16 na taong gulang na girlfriend. Hindi lang katulad nina Romeo and Juliet na tinutulan ng kani-kanilang mga magulang ang pagmamahalan, kina Ka Freddie at girlfriend niya, ibang tao na walang kinalaman sa kanila.
Ang umeeksena. Isang abogado na nasasagwaan sa PDA ng dalawa at hindi raw naniniwalang minamahal ng singer ang batang karelasyon kundi pinagnanasaan lang.
Kahit ang mga magulang na nagbigay ng kaÂnilang consent sa pagmamahalan ng dalawa ay idiÂdemanda na rin daw niya.
Aray ko!
Bagong bata nadiskubre, nangungusap ang mga mata
May bagong batang artista na nadiskubre ang ABS-CBN sa isa nilang pa-audition para sa bago nilang palabas na Honesto na magsisimula sa Lunes, Oktubre 28, kapalit ng Juan dela Cruz. Siya si Raikko Matteo, limang taong gulang na nasa kinder 2.
Isa siya sa apat na batang pinagpiÂlian at bagaman at maÂgagaling silang lahat nakaungos lamang ang batang Zambalenyo dahil sa kanyang nanguÂngusap na mga mata na madaling nakahalina sa mga pumili.
Si Coco Martin ang idolo ng bagong artista, pero hindi ito ang naÂging dahilan para gustuhin niyang mag-artista kundi ang pangyayaring gusto niyang makita ang sarili niya sa telebisyon. Gaganap siya sa role ng isang batang nagngaÂngalang Honesto na may katangiang nakuha niya sa pamilya ng kanyang ina (Fina, Maricar ReÂyes) na namumula ang ilong kapag nagsisinungaling. Ang sakit na ito na isang uri ng allergy ang maghihiwalay at magre-reunite sa mga pamilya hindi lamang sa istorya kundi maging sa mundo.
At the rate ABS-CBN is coming up with better child actors, hindi malayong maging isa ring pangalan na igagalang bilang isang mahusay na artista si Raikko Matteo.
LGBT magkakaroon ng World Pride Festival sa QC
Tingnan mo nga naman, may tahanan pala na kukupkop sa mga LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender). Ito ay sa Quezon City na ipagdiriÂwang ang LGBT comÂmunity sa isang World Pride Festival sa November. 7-December. 7.
Ang pista na itataguyod at pamumunuan ng QueÂzon City Pride Council sa loob ng isang buwan ay magbubukas sa pamamagitan ng Ilog Mo, Ilog Ko, Buhay Ko, isang clean up drive para sa mga creek at estero ng siyudad sa Nob. 9. Susundan ito ng LGBT Summit at HIV Awareness sa Nob. 13 , World Arts Exhibit sa Nob. 22, INQCITY, isang film festival sa Dis. 4 at ang finale celebration, ang QC World Pride Parade sa Dis 7. Magkakaroon din ng awards night na magbibigay parangal sa mga natatanging indibidwal who helped shape the face of the LGBT in the country.
Ang Quezon City Pride Council ay binubuo nina Soxy Topacio bilang chairman.
Angel hindi mapiga sa hiwalayan nila ni Phil
Mukha namang tinitigilan na ng tao si Angel Locsin dahil kinumpirma na nito ang hiwalayan nila ni Phil Younghusband. ‘Yun nga lang, sa kawalan ng masasabing dahilan ng kanilang split, idinadaan na lang ng lahat sa biro ang isyu, na kaya nagkahiwalay ang dalawa ay dahil magkaiba ang shampoo na kanilang ginagamit. Ha ha ha.
Jane sasabak uli sa dramahan
Sasabak muli sa isang heavy drama episode ng Maalaala Mo Kaya ang Kapamilya teen star na si Jane Oineza. Gagampanan niya ang karakter ni Nene, isang 17-anyos na dalagitang nagrebelde sa magulang, nabuntis ng maaga, at pilit nilalayo ang sarili mula sa kanyang pamilya.
Kasama ni Jane sa MMK mamayamg gabi sina Joey Marquez, Mickey Ferriols, Christian VasÂquez, Belle Mariano, Justin Gonzales, Chris Guttierez, Marnie Lapuz, at Jerome Ventinilla. Direksiyon ni Nick Olanka.
- Latest