Kim mabilis naka-recover sa kakaibang sakit!
Mabilis na naka-recover si Kim Atienza sa Guillain Barre Syndrome dahil sa determinasyon niya na gumaling at labanan ang kanyang karamdaman.
Malakas ang resistensiya ni Papa Kim at may duda ako na may kinalaman ang regular take niya ng Atienza Naturale, ang malunggay capsules na kanyang ipino-promote.
Isang herbal dietary supplement ang Atienza Naturale at sa pangalan pa lang nito, alam natin na may kinalaman ang Atienza sa manufacturing at markeÂting ng malunggay capsules.
Gusto ko na talagang matuloy ang na-postpone na press launch ng Atienza Naturale para madagdagan pa ang kaalaman ko tungkol sa health benefits ng malunggay capsules.
Nakalagay sa official website ng Atienza Naturale na itinatag ito dahil sa paniniwala na ang malusog na pamumuhay ay karapatan ng lahat - walang pinipili, walang pinapaboran kaya nararapat lamang na may mga produkto na magtataguyod ng kalusugan na abot-kaya ng bawat isa.
Ito raw ang natatangi na layunin ng Atienza Naturale Inc., ang 100% Filipino owned company na itinatag noong 2011. Naniniwala ang Atienza Naturale Inc. na ang pinaka-epektibo at pinakaligtas na tagapag-taguyod ng kalusugan ay nasa kalikasan.
Sinisikap nila na mga natural ingredients lamang mula sa mga halaman ang bawat produkto ng Atienza Naturale dahil ang buhay ay sagrado na dapat na pangalagaan.
Mga reporter nagulat Paulo nagkukuwento na tungkol sa anak kay Lj
Nagugulat kay Paulo Avelino ang mga reporter dahil nagkukuwento na siya tungkol sa anak nila ni LJ Reyes.
Nasanay kasi ang mga reporter na tikom ang bibig ni Paulo kapag tinatanong ito tungkol sa relasyon nila ni LJ at sa kanilang 3-year old son na si Aki.
Ikinukuwento ng mga reporter na open na si Paulo sa pagkukuwento tungkol kay Aki. Sila pa nga ang nanibago kay Paulo na umamin na nagkaroon noon ng mga personal na problema.
In fairness kay Paulo, mabait naman talaga siya. Nagkataon lang siguro na ang mga pinagdaanan niya na pagsubok ang dahilan kaya naging mailap siya sa lahat, hindi lamang sa entertainment press.
Benjie Paras biktima ng pamemeke
Walang Twitter account si Benjie Paras at kung meron man, impostor ‘yon. Ang mga anak ni Benjie na sina Andrei at Kobe ang may Twitter accounts.
Ang dalawang bagets ang nag-inform sa public na walang Twitter account ang kanilang ama.
Pareho ang kapalaran namin ni Benjie. Never ako na nagkaroon ng Twitter o Facebook account. Mga poser ang gumagamit sa pangalan ko kaya naloloka ako sa mga artista na sinasagot at pinapaÂtulan ang mga tweet ng fake Lolit Solis.
Ang mga artista na ang may diprensiya dahil hindi ako nagkulang sa paalaala na hindi ako active sa social media. Hindi ko na kasalanan kung nagpaapekto sila sa mga batikos at tweet ng mga poser ko.
Walang akong panahon sa mga kadramahan na nangyayari sa Twitter at Facebook. Kuntento na ako sa aking mga column sa Pilipino Star Ngayon o PSN at Pang Masa o PM at sa mga text message na natatanggap ko at sinasagot, sa tulong ng aking mga trusted kasambahay.
- Latest