Dick at Amy bumalik sa dating bahay
MANILA, Philippines - Balik Kapamilya sina Roderick Paulate at Amy Perez matapos silang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN kamakalawa (Oktubre 22) kasabay ng pag-anunsyo ng kanilang balik-tambalan bilang host ng patok na musical game show The Singing Bee simula Nobyembre.
Bakas din sa mukha ng matalik na magkaibigan ang tuwa dahil makalipas ang mahigit walong taon ay muli silang magkakatrabaho.
“Pakiramdam namin, si Mamang, ‘yong mommy ni Kuya Dick, pinapanood niya kami mula sa langit at ginawan niya pa talaga ng paraan na magkasama kami ulit,†kwento ni Amy.
“Pakiramdam ko nakauwi na ako matapos ang ilang taon. Iba talaga ‘yong pakiramdam ng umuwi at muling makita ang pamilya mo,†pahayag ni Dick.
Pinakapumatok ang tandem nina Dick and Amy sa noontime show na Magandang Tanghali Bayan (MTB) kaya naman marami ang nasasabik sa pagbabalik ng tambalan. Siniguro ng dalawa na kakaibang entertainment ang ihahatid nila linggu-linggo sa The Singing Bee kung saan buong pamilya ang maaaring makisaya.
“Ito ‘yong show na masaya. Masaya kaming hosts at masaya rin ang mga manonood kasi mapapakanta at mapapahula talaga sila. Napaka-interactive nito. May mga maiinis kapag mali ang lyrics ng contestant. Maganda ang vibes ko sa show na ito,†sabi ni Dick.
“Tayong mga Pinoy kilalang magaling at mahilig kumanta. Sa kahit anong problema na dumarating sa atin ang parating solusyon ay kumanta kaya papatok ‘to,†dagdag ni Amy.
Bukod sa The Singing Bee, magiging bahagi rin si Amy ng morning show na Umagang Kay Ganda at magbabalik din sa radyo sa AM station na DZMM.
Dumalo rin sa pirmahan ng kontrata sina (L-R) ABS-CBN business unit head Reily Santiago, News and Current Affairs head Ging Reyes, president and CEO Charo Santos, broadcast head Cory Vidanes at TV production head Laurenti Dyogi.
Jay Taruc binaybay ang mga lugar na kinatatakutan ngayong undas
Ngayong nalalapit na ang Undas, samahan ang award-winning documentarist na si Jay Taruc sa isang kakaibang paglalakbay sa mga lugar na nababalot ng hiwaga at kababalaghan sa Halloween special ng Motorcycle Diaries.
Sa unang yugto ng midnight roadtrip, babaybayin ng Motorcycle Diaries host ang isang kalsada na napagigitnaan ng sementeryo. Sisiyasatin ni Jay ang mga kuwento sa likod ng mga kaluluwang nagpaparamdam umano sa mga motoristang dumaraan dito. Makakausap rin ang ilang residente na nakasaksi ng kaluluwa ng mga batang naglalaro at ng white lady. At para mas maliwanagan ang mga nakapangingilabot na mga kuwento, hahanapin ni Jay ang sepulturero na gabi-gabing nagbabantay sa sementeryo.
Isang tulay naman ang iniiwasang daanan tuwing gabi ang sasadyain ni Jay. Isang tricycle driver ang nakasama ni Jay magpunta sa tulay at kuwento niya ay maraming elemento raw ang nagpaparamdam dito. Pero ang tulay na tinutukoy pala ng mga moÂtorista ay isang spillway. Ayon sa kuwento ng mga residente, marami raw kasing pinatay at itinapon malapit sa tulay.
Puno naman ng kababalaghan ang isang lanÂsangan sa isang liblib na barangay. “Balawis†o baÂyoÂlenteng tao ang tawag ng mga residente sa kalye na ang ibig sabihin daw ay “kinatatakutang lugar.†Kuwento ng isang barangay tanod na nakilala ni Jay, kung hindi engkanto, mga ligaw na kaluluwa ang makikita dito.
Natatamnan ang gilid ng kalye ng mga naglalakiÂhang puno ng Acacia noon. Sa paglipas ng mga taon, pinagpuputol ang ilan sa mga Acacia kaya naÂÂman daw tila nabulabog ang mga elementong naÂÂÂnanahan sa mga puno. Habang naglalakad sa kalyeng ito sila Jay, nagpatay-sindi ang ilaw sa isang poste. Ito na nga kaya ang tinutukoy ng mga reÂsiÂÂdente na mga nabulabog na engkanto, ispirito o mga nilalang mula sa ibang mundo?
Babaybayin ni Jay ang mga kinatatakutang lugar at aalamin ang dahilan kung bakit ito iniiwasan, ngayong Huwebes, 10PM sa GMA News TV channel 11.
- Latest