^

PSN Showbiz

Mall show nina Jessy at Jake biglang hininto, muntik magka-stampede!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinumog ng libu-libong tao ang ginanap na mall show noong Linggo (Oct. 20) ng Maria Mercedes sa SM City Lipa sa Batangas kasama sina Jake Cuenca, Jason Abalos, at mismong ang Pinay Maria Mercedes na si Jessy Mendiola.

Dahil sa sobrang dami ng tao na nagsisiksikan sa venue kung kaya’t nagdesisyon ang mga organizer ng show na huwag ng tapusin ang palabas para na rin sa kaligtasan lahat.

Base sa pagbusisi ng organizer sa lagay ng venue, posible na umanong magkaroon dito ng stampede at konti na lang ay maaari ng mabasag ang mga glass window sa mall.

Dahil dito hindi na nakapagtanghal sina Jake at Jessy. Naka-isang kanta lang si Jason at matapos nito ay pinalabas na ang tatlong bida para bumati na lamang at magpaalam na sa kanilang fans.

Bagama’t nalungkot sa nangyari, nagpahayag na lang ng saloobin sina Jessy, Jake, at Jason online sa pamamagitan ng kanilang Instagram accounts.

“Sorry Batangueños kung hindi na ako nakapagtanghal sa inyo. Mahal ko pa rin kayo. Mahal pa rin kayo ni Maria Mercedes. Salamat sa inyong suporta at sa pagpunta para lang makita kami,” sabi ni Jessy.

Paliwanag naman ni Jason, “Sana napasaya namin kayo kahit naghintay kayo ng matagal. Sobra po kaming nagpapasalamat sa inyo. Malungkot po kami na uuwi pero mas importante po na walang masaktan na isa man sa inyo. Mahal namin kayo.”

“Napakaganda ng crowd dito ngayong araw pero kailangan nilang itigil ’yung show para sa kaligtasan ng lahat. Maraming salamat sa lahat ng pumunta sa SM Lipa at makakaasa kayo na babawi po kami sa iyo,” sabi ni Jake.

Patunay ito na talaga namang isa ang Maria Mercedes sa pinakamainit na teleserye ngayon na sinusubaybayan ng sambayanan.

Mas lalo pang gumaganda ang kuwento ng Maria Mercedes (Jessy) nga­yong linggo sa pagbabalik ng ina ni Mercedes na si Magnolia (Vina Morales). Mas lalo ring magkakabangga si Mercedes at ang ex-girlfriend ni Luis (Jake) na si Misty (Nikki Gil).

Huwag palalampasin ang tamis at pait ng buhay at pag-ibig ni Maria Mercedes, weeknights pagkatapos ng Got to Believe, sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

vuukle comment

CITY LIPA

DAHIL

JAKE CUENCA

JASON ABALOS

JESSY

JESSY MENDIOLA

MARIA MERCEDES

MERCEDES

NIKKI GIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with