^

PSN Showbiz

OTJ tiyak nang ire-remake ng Universal Pictures

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kumpirmado na, ang pelikulang Pinoy na On the Job (OTJ) na idinirek ni Erik Matti at nagtatampok kina Joel Torre, Joey Marquez, Piolo Pascual, at Gerald Anderson ay ire-remake sa Hollywood. Gagawin ito ng Universal Pictures sa direksiyon ni Baltasar Kormakur, gumawa ng mga pelikulang Contraband at 2 Guns na siya ring susulat ng istorya.

Napanood ang OTJ sa Cannes Film Festival at sa Busan Film Festival na kung saan ay nanalong Best Actor si Joel Torre.

Angelika muntik patayin

Tinangkang saksakin si Angelika dela Cruz ng isang lalaki ha­bang nangangampanya sa Malabon. May kasama pa ang sa­larin na may dalang baril na mabuti naman at hindi ginamit sa kanya. Tumatakbo si Angelika bilang barangay opisyal sa kanyang lugar. Matatandaan na isang kapatid ni Angelika ang napatay din at hindi naipagpatuloy ang kanyang gawain bilang kagawad sa kanilang lugar at sa Malabon din ilang taon na ang nakararaan. Hanggang ngayon ay wala pa ring kalutasan ang naging kamatayan nito.

Show ni Juday bitin

Interesting at talagang masaya ’yung bagong game show ng ABS-CBN na Bet on Your Baby.

Napanood ito sa kauna-unahang pag­kakataon nung Sabado ng gabi na ang host ay si Judy Ann Santos. Nagl­aro ang magdadalawang taon gulang na anak ni AiAi delas Alas, kalaban ang anak nina  Anthony “Tunying” Taber­na, at Benjie Paras.

Dahil single parent, ang anak ni AiAi na si Sancho ang nakasama nila ng anak niyang si Sean sa paglalaro. Samantala, first time nakita on TV ang mga kabiyak nina Benjie at Tunying.

Marami ang nanghihinayang na minsan lamang isang linggo mapapanood ang Bet on Your Baby na baka naman mahal ang pagkakabili ng franchise kaya ganun. Sana man lamang daw ay dalawang beses man lang maipalabas ito dahil nga interesting.

Congratulations kay Juday, bagay siya sa show!

Coco walang kupas sa mga bata

Wala pa ring kupas ang karisma ni Coco Martin sa tao. Dinumog ang Juan Fun Day sa Trinoma Activity sa Quezon City na napuno hindi lamang ang lugar na pi­naglabasan ng isang ma­sayang pagta­tanghal kundi ang lahat ng palabas ng nasabing mall na lahat ay gustong makita ang actor.

Talaga, nagkagulo ang mga tao at maraming bata ang natakot sa unang pagkakita sa mga naka-costume na character. Pero panandalian lamang ito. Nang lumaon ay wala na ang takot nila at enjoy nang iwinagayway ang kanilang mga nabiling mga san­datang latigo, espada, at pana.

Finale na ng JDC sa linggong ito. Napanood ito sa ere ng siyam na buwan.

Julie Anne hindi alam kung may nagpaparamdam

’Kakatuwa naman si Julie Anne San Jose sa kanyang sagot na hindi niya alam kung may nanliligaw sa kanya o wala sa mga kasamahan niyang artista. Tinanong kasi siya ng media na dumalaw sa set nila ng Kahit Nasaan Ka Man kung may nan­liligaw sa kanya ngayon at sinagot niya ito ng “Mayro’n po siguro pero hindi ko alam.”

Puwede bang hindi niya malaman kung may nagpaparamdam sa kanya? Baka kung crush-crush lang, okay, pero kung panliligaw na, hindi ito puwedeng isikreto. Kailangang sabihin ito ng manliligaw sa gusto niyang ligawan.

Very candid ang reaction ni Julie Anne sa diu­mano’y pagkakagusto sa kanya ni Ruru Madrid pero sinabi niya parang kapatid lamang ang turing niya rito. Si Lucho Ayala naman na ka-love tri­angle nila ni Kristoffer Martin sa Kahit Nasaan… ay napakapormal at parang katrabaho lang ang tu­ring sa kanya. Si Kristoffer naman ay alam niyang may sabit na. At ang recent breakup nito ay lubhang napakabago para bigla niyang kakitaan ng interes.

 

vuukle comment

ANGELIKA

JOEL TORRE

JULIE ANNE

NAPANOOD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with