Dennis wanted!
May mga umasa na mapapanood nila sa ending ng My Husband’s Lover noong Biyernes ang pinag-uusapan na kissing scene nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo.
Nabigo at nabitin ang mga naghintay dahil hindi ipinakita ang eksena ng halikan ng dalawa na hindi puwedeng ipalabas sa TV. Malinaw naman ang sinabi ni Dennis sa concert noon ng My Husband’s Lover cast sa Smart Araneta Coliseum, mapapanood sa DVD copies ng kanilang bekiserye ang tender kissing scene nila ni Tom.
Natuwa ang mga baklita sa hindi madrama na eksena ng My Husband’s Lover. Natupad naman ang kanilang mga wish na magkatuluyan sina Eric at Vince. Nagkaroon ng insinuation na magiging karelasyon ni Lally si Sam, ang karakter na ginampanan ni Ryan Agoncillo.
Sure ako na mataas ang rating ng ending ng My Husband’s Lover dahil curious ang lahat sa kahihinatnan ng relasyon ng mga baklitang sina Eric at Vince.
Alam kaya ni Dennis Trillo na nadadamay ang pangalan niya sa break up nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado?
Wanted si Dennis ng mga reporter na gustong malaman ang reaksyon niya sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa hiwalayang Luis-Jennylyn. Hindi naman malinaw o detalyado ang kuwento tungkol sa pagkakadawit ng name ni Dennis dahil humihingi si Luis ng privacy mula sa press at publiko.
Kung anuman ang tunay na rason ng paghihiwalay nila ni Jennylyn, silang dalawa lamang ang tunay na nakakaalam. Hindi na naipagdiwang nina Luis at Jennylyn ang 2nd year anniversary ng kanilang love affair noong Biyernes.
Andre and Kobe nagpatali sa GMA 7
Certified Kapuso stars na ang magkapatid na Andre at Kobe Paras dahil pumirma sila ng kontrata sa GMA Network Inc. noong Biyernes.
Kasama ng magkapatid sa contract signing ang kanilang tatay na si Benjie Paras na co-manager ng GMA Artist Center.
Nagsimula ang showbiz career ni Benjie sa Kapuso Network kaya happy siya dahil magsisimula rin sa GMA 7 ang showbiz career ng kanyang mga anak na mga future matinee idol.
Tiniyak ni Benjie na hindi makakaapekto sa pag-aaral at basketball careers nina Andre at Kobe ang showbiz dahil proper time management lang ang sikreto.
Kylie hindi tinatablan ng mga paninira ng fans nina Aljur at Kris
Active na naman ang bashers ni Kylie Padilla dahil sa mga kuwento tungkol sa pang-ookray at pang-aapi niya sa fans nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.
Nanggagalaiti sa galit ang AlKris fans kay Kylie pero dedma ito. Matapang na sinabi ni Kylie na wala na siyang pakialam sa galit ng fans ng kanyang boyfriend at ni Kris.
Gustong-gusto ng entertainment press ang pagiging honest ni Kylie dahil lahat ng mga tanong, sinasagot nito, kahit alam niya na lalong maiimbudo sa kanya ang supporters nina Kris at Aljur.
Mali naman ang bintang ng fans na may mga drumbeater ang anak ni Robin Padilla. Nagpakatotoo at sinagot lamang ni Kylie ang mga question sa kanya ng entertainment writers. Kung gusto ni Kris na sagutin si Kylie at ipagtanggol ang fans nila ni Aljur, malaya siya na makakapagpainterbyu, anytime na gustuhin niya.
- Latest