^

PSN Showbiz

Beauty queen magta-traffic aide at paglilinisin pa ng estero ng MMDA!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kayanin kaya ng beauty queens na sina Precious Lara Quigaman, Wendy Valdez, at Tina Marasigan ang araw-araw na pagsisilbi sa publiko bilang mga opisyal ng Metro Manila Development Authority (MMDA)? Nga­yong Sabado (Oct. 19) sa I Dare You, susubukin ang pasensiya at pagpupunyagi ng tatlo sa kanilang pagharap sa bangis ng kalye hindi upang rumampa, kundi upang maging traffic aide, maglinis ng mga estero, at magtanggal ng billboard kasama ang isa pang beauty queen ng lansangan, ang traffic enforcer at Bidang Kapamilya na si Nanay Veri.

Ano nga ba ang tunay na pinagdadaa­nan sa buhay ng isang MMDA officer? Mapagtagumpayan kaya nina Precious Lara, Wendy, at Tina ang bawat hamon ng pagbabago upang mabigyan ng scholarship ang anak ni Nanay Veri at mahandugan ng wellness fair ang mga empleyado ng MMDA?

Abangan ang mga hamon ng totoong buhay na hino-host nina John Prats, Deniese Aguilar, Robi Domingo, at Melai Cantiveros. Mapapanood ito pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN. ‘

vuukle comment

BIDANG KAPAMILYA

DENIESE AGUILAR

I DARE YOU

JOHN PRATS

MAALAALA MO KAYA

MELAI CANTIVEROS

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NANAY VERI

PRECIOUS LARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with