^

PSN Showbiz

Kylie tadtad ng limitasyon

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kung noon ay tila itinatago nina Aljur Abrenica at Ky­lie Padilla ang kanilang relasyon ngayon ay open na sila sa publiko tungkol dito at masaya sila kahit pa­tuloy na bina-bash si Kylie ng fans nina Aljur at Kris Bernal.

Aminado ang dalaga ni Robin Padilla na nung um­­pisa ay apektado siya sa bashers pero ngayon ay tanggap na niya ito dahil wala naman siyang control sa ibang tao kundi manira ng kanilang kapwa. Ang ma­ha­laga ay magan­da ang takbo ng kanilang relasyon ni Aljur at wala silang pakialamanan pagda­ting sa ka­­nilang respective careers dahil magkaiba sila ng management company at magkaiba rin ang mga project na ipinagkakatiwala sa kanila.

As an actress, aminado si Kylie na marami siyang limitasyon kaya niya tinang­gihan noon ang TV drama series na Pahiram ng Sandali na pagtatambalan sana nila ni Dingdong Dantes. Ang kanyang role ay napunta kay Max Collins.  Ang maganda lang, binigyan siya ng GMA ng ibang serye, ang Unforgettable at ngayon ay ilo-launch siya sa primetime TV series sa pamamagitan ng Adarna na ididirek ng actor-director na si Ricky Davao at kung saan naman siya magkakaroon ng tatlong leading men at dalawa na rito sina Mikael Daez at Benjamin Alves.          

Excited si Kylie sa bago niyang serye dahil kilala ito ng lahat pati mga bata.

Dasal ang panangga ng Bohol

Hindi namin maiwasang malungkot each time na napapanood namin sa telebisyon ang mga nakakagimbal na nangyari sa napakagandang Bohol na napuntahan namin a few months ago sa unang pagkakataon. Katunayan, nag­babalak na sana kami ng aming next trip doon kapag dumating ang anak kong si Aila Marie for her last school vacation in Japan dahil marami pang ibang magagandang lugar ng Bohol ang gusto naming puntahan. Bohol is a beautiful place to visit kahit sa mga local tourist.

Alam namin na matatagalan siguro bago mu­ling makabangon ang Bohol lalo na ang restoration ng mga historical place which were crushed to the grounds but, in time, umaasa kami na muling maibabalik ang ganda ng lugar. Bukod sa mga nasira, mas nalungkot kami sa maraming buhay na nawala. Ang lindol o iba pang kalamidad ay walang lugar, oras at araw na pinipili.

Mangyayari ito nang hindi inaasahan ng kahit sinuman. Kaya dasal at kahandaan na lamang ang tangi nating panangga sa anumang kalamidad at problema na dumarating sa atin.

AILA MARIE

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BENJAMIN ALVES

BOHOL

DINGDONG DANTES

KRIS BERNAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with