^

PSN Showbiz

Regine mas gustong magluto pag linggo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Birthday ng ama ni Regine Velasquez na si Mang Gerry kahapon at sama-sama ang buong pamilya Velasquez na nag-celebrate ng kaarawan ng ama sa ospital kung saan ito naka-confine. Pero sabi ni Songbird, her dad is recovering very, very well, pero hindi nabanggit ni Regine kung kailan makakalabas ang ama.

Hindi naiwasang tanungin si Regine sa kalagayan ng ama sa pagre-renew niya ng kontrata sa GMA Network.

Ang ama, ang ibang members ng pamilya, ang asawang si Ogie Alcasid at ang anak na si Nate ang mga rason kung bakit once a month na lang si Regine sa Sunday All Stars. Gusto niyang free ang Sunday niya para may time siya to cook for her family at makasama sila buong araw.

Next year, magiging busy si Regine dahil gagawa siya ng soap at wil­ling siyang gumawa ng soap na may daring na tema gaya ng My Husband’s Lover. May musical show ding plano at concert na ipoprodyus o co-produced ng GMA Network.

Samantala, aalis si Regine sa October 23 para sa US Tour ng Silver. Sa October 26 ang first show niya at November 3 ang last show sa Michigan. Kinumpirma rin ng manager nitong si Cacai Mitra na may Valentine’s Day concert si Songbird pero hindi nabanggit ni Cacai kung solo concert o may mga kasama si Regine.

Tom at ‘anak’ todo yakapan nang magkita

Mahigpit na nagyakap sina Tom Rodriguez at child actor JM Ibañez nang magkita sa presscon ng Bekikang. Naging close ang dalawa nang magkasama sa Be Careful With My Heart kung saan sila gumaganap na mag-ama.

Mag-ama rin ang role nina Tom at JM sa Bekikang at si JM (Potpot) ang gaganap na batang iniwan ni Fortunato (Tom) kay Bekikang (Joey Paras). Pero nang lumaki si Potpot, gusto siyang bawiin nina Fortunato at Natalie (Carla Humphries).

May mga eksena sa movie na inspired sa tunay na nangyari sa buhay ni direk Wenn Deramas na may dalawang adopted children, kaya malapit sa puso ng director ang movie. After Ang Tanging Ina, ang Bekikang na ang second favorite movie ni Direk Wenn.

Sa trailer ng movie, ipinakita ang mga eksena ng guests na sina Maricel Soriano, Dingdong Dantes, Iza Calzado at Janice de Belen. Sa October 23 ang sho­wing ng Viva Films movie.

Kanta ni Aljur pinayagang gamitin sa prinsesa

Nagpasalamat sa GMA 7 si Aljur Abrenica via Twiter sa tiwala ng network sa boses niya para gamiting theme song ng Prinsesa ng Buhay Ko ang song niyang Ikaw Lang ang Ako. Kundi kami nagkakamali, kasama sa bago at second album ng aktor ang nasabing kanta na original ni Janno Gibbs.

Malaking push kay Aljur, sa album, sa Prinsesa ng Buhay Ko at sa concert niya sa November 7 ang ginawa ng Channel 7 dahil gabi-gabing mapapakinggan.

Billed Come and Get Me ang concert na gagawin sa Music Museum at guests sina  Julie Anne San Jose, Rochelle Pangilinan, Vin Abrenica at Kris Bernal

Halikan nina dennis at Tom, hindi pumasa sa MTRCB

Nilapitan namin sina Atty. Felipe Gozon (Chairman at CEO) at Lilybeth Rasonable, OIC for Entertainment TV ng GMA Network para itanong kung bakit hindi naipalabas ang three seconds kissing scene nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa My Husband’s Lover.

Marami sa nanood ng MHL concert ang disappointed na hindi naipalabas ang nasabing eksena na matagal nilang hinintay. Pareho ang sagot ng dalawa, hindi pinayagan ng MTRCB na ipalabas ang kissing scene at kesa ipakansela ang beki­serye kung kailan magtatapos, hindi na nagpumilit ang istasyon.

Sa DVD copy, mapapanood ang kissing scene ng TomDen, kaya lang sa volume 9 or 10 pa yata mapapasama ang eksena at mid-November pa lalabas.

 

AFTER ANG TANGING INA

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BEKIKANG

BUHAY KO

MY HUSBAND

SA OCTOBER

TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with