^

PSN Showbiz

Buzz ng Bayan aabangan!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

‘I am very excited’

Sa Linggo ay mapapanood na ang pinaka­bagong showbiz talk show ng Kapamilya network na Buzz ng Bayan. Aming makakasama sa nasabing palabas sina Janice De Belen at Carmina Villarroel.

I am very excited, very excited. Noong ginagawa pa lang namin ‘yung pitch episode, doon ko nakita ‘yung possibilities. Ang daming possibilities na puwede naming pagsamahan at pagsikapan na i-achieve. It had the kind of energy that was fresh, so naroon ako, maganda ‘yung pakiramdam. Ayaw kong isipin na may bago akong konsepto. I want to look at this as having all the possibilities. Kumbaga baun-baon ko dito lahat ng natutunan ko. Lahat ng mali na pinagdaanan ko, lahat ng mga panahon na natapilok ako. Lahat ng mga magagandang bagay na aking natutunan. Wala na akong masyadong takot and to me that is important and I am going to bring that along when I work with Mina and Janice. Baon po namin ang lahat ng aming natutunan. Baon po namin lahat ng pagkakaibigang nagawa namin sa lahat ng mga kasamahan namin sa industriya kung saan kami huhugot ng kwento. Baon po namin ang kanilang tiwala, pagmamahal.

Baon po namin ang aming mga kwento bilang hosts. ‘Yan po ang pakakaaba­ngan, hindi lang po kami do’n hihinto. Depende kung saan ang pag-uusapan, depende kung saan kami dadalhin ng pagkakataon. Makakaasa po kayo na buong puso po naming pupuntahan ‘yun dahil ang aming tinatalakay ngayon ay hindi lamang kwento ng artista. Dahil dito sa palabas na ito, dito sa Buzz ng Bayan, ang kwento po ng artista ay kwento po ninyo.

Marian inilalatag kay Dingdong lahat ng gagawin

Ilang taon na ring magkarelasyon sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ayon sa aktres ay nananatili raw maganda ang kanilang relasyon ng aktor dahil naiintindihan nila ang trabaho ng isa’t isa. “Kami kasi ni Dong, hindi ko alam kung paano ipaliwanag at ilatag lahat sa inyo, may kanya-kanya pa rin. Kami as a couple oo, pero may kanya-kanyang trabaho kami eh. Malaki ‘yung tiwala namin sa bawat isa na kung ano ‘yung gusto naming gawin, susuportahan namin ang bawat isa. Hindi ibig sabihin na dinidiktahan namin ang bawat isa kung ano ang gagawin namin,” bungad ni Marian.

Kapag tumatanggap daw ng proyekto ang aktres ay kaagad niya itong sinasabi at ikinukonsulta kay Dingdong. Katulad na lamang nang unang in-offer kay Marian ang konsepto ng pelikulang Kung Fu Divas. “Nag-lunch kami together, in-open up ko sa kanya na may in-offer sa akin na ganitong pelikula, kinuha ko. Gano’n ang relationship na meron kaming dalawa na mahirap ipaliwanag sa ibang tao kasi nasa showbiz kami. So gano’ng klaseng relationship ang meron kami at ang importante sa akin, may respeto kami sa bawat isa, may kanya-kanyang career. Kasi minsan mahirap matali na Marian and Dingdong together, siyempre kanya-kanya rin,” giit pa ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                      

 

 

vuukle comment

BAON

BAYAN

CARMINA VILLARROEL

DINGDONG DANTES

JANICE DE BELEN

KAMI

LAHAT

NAMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with