^

PSN Showbiz

MMK at Wansapanataym kinilala sa Int’l award-giving bodies

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang sikat na international award-giving bodies ang kumilala sa Maalaala Mo Kaya (MMK) at Wansapanataym ng ABS-CBN para sa mga dekalibre nitong episode na sumasalamin sa natatanging husay ng mga Pilipino sa larangan ng telebisyon.

Sa gitna ng engrandeng pagdiriwang ng 60 taon ng telebisyon sa bansa, nakasungkit ng nominasyon ang MMK sa International Emmy Awards 2013 bilang best drama series. Ito ang natatanging programang nominado mula sa Pilipinas.

Inilahok ng ABS-CBN sa International Emmy Awards 2013 ang Manika episode na pinagbidahan nina Jane Oineza at Angel Aquino at ang kuwento ng Pulang Laso nina Carlo Aquino at Joem Bascon. Ang dalawang MMK entries ay kapwa idinirek ni Nuel Naval.

Hinirang naman ng Asia-Pacific Broadcasting Union (ABU) Prizes 2013 bilang finalist sa Television Special Jury Prizes-Children’s category ang Wansapanataym episode na Number One Father and Son na tinampukan ng Kapamilya child wonder na si Zaijian Jaranilla at Epy Quizon. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Sponky Villarin.

Gaganapin ang 41st International Emmy Awards Gala sa Nobyembre 25 sa Hilton New York Hotel, USA; samantalang ang finals ng ABU Prizes 2013 ay sa Oktubre 28 sa Hanoi, Vietnam.

 

ANGEL AQUINO

ASIA-PACIFIC BROADCASTING UNION

CARLO AQUINO

EPY QUIZON

HILTON NEW YORK HOTEL

INTERNATIONAL EMMY AWARDS

INTERNATIONAL EMMY AWARDS GALA

JANE OINEZA

JOEM BASCON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with