^

PSN Showbiz

Kahit may Renz Kris at Aljur lalong nagkakalapit

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang masaya pero maraming twists na namang istorya ang hatid ng Prinsesa ng Buhay Ko sa GMA 7 ngayong linggo. Sina Kris Bernal, Renz Fernandez, at Aljur Abre­nica ang mga panguna­hing tauhan dito.

Magpapasalamat naman si Cess (Kris) kay Nick (Aljur) sa pagpunta niya subalit mag-aaway na naman silang da­lawa! Ma­ga­galit si Cess kay Nick at bigla siyang aalis. Kukum­pron­tahin tuloy ni Luis (Renz) si Nick at biglang masasabi ni Nick ang isang bagay na ikagugulat ni Luis!

Pabirong babawiin naman ni Nick ang sinabi niya sa kapatid. Habang si Phil ay pagsasabihan naman si Cess at mapapaisip siya. Ma­ging si Steve pagsasabi­han din si Nick na patuloy pa ring ide-deny ang narara­m­da­man niya kay Cess. Laking gulat na lang ni Nick nang mag-sorry ulit si Cess sa kanya dahil duon matutuwa si Luis. Lingid naman sa dalaga, pinapasakay lang din siya ni Roberto at pareho sila ni Eliza na ayaw sa kanya para kay Luis.

Magugulat naman si Luis dahil bigla na namang mag-aaway si Nick at Cess pero bigla silang magbabati na mas lalo pa niyang ikalilito. Pero magkakabati na rin silang dalawa at dahil nag-iinuman at nagkakakuwentuhan, masasabi lahat nila sa isa’t isa ang mga hinanakit nila.

Masasambit pa ni Cess ang batang lalaki na naging best friend niya sa bahay ampunan!

Sa mga sumunod pang eksena, si Nick ang mag­hahatid kay Cess sa event na pupuntahan niya. Pagdating naman ng dalaga sa event, may mga mag-i-interview sa kanya.

Samantala, magkasama pa ring magtitinda sina Phil at Vicvic. Darating ang tatay Abdon ni Vicvic at makikita niya kung paano ang pagsusumikap ni Vicvic para kay Belen! Pagkatapos naman ng event ay magpapasundo si Cess kay Nick. Mapag-uusapan nina Nick at Cess si Eliza. Walang anu-ano ay biglang mapapayakap si Cess kay Nick!

 

 

ALJUR ABRE

BUHAY KO

CESS

KAY

LUIS

NAMAN

NICK

SHY

VICVIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with