^

PSN Showbiz

Aktres walang kaalam-alam na hindi na siya itinuturing na kaibigan ng kapwa aktres

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi aware si Aktres A (AA) na na-unfollow siya nang itinuturing na kaibigan sa Twitter at Instagram (IG) dahil nang tanungin sa interview sa kanya kung friend sila ni Aktres B (AB) na nag-unfollow sa kanya sa Twitter at IG, mabilis na “oo” ang sagot.

Nakangiti pang sumagot ang aktres sa tanong ng press na siguradong friend pa rin ang turing sa kanya ni AB. Hindi ba nito napansin na hindi na siya nakakatanggap ng tweets at wala nang pumapasok na post sa kanyang IG na galing kay AB? Hindi ba siya nagtataka at hindi man lang nagtanong at hindi tinawagan si AB?

Ang fans ni AA ang nakapansin na na-unfollow na siya ni AB at may fan si AA na naglakas ng loob na nagtanong kay AB sa IG nito kung bakit niya na-unfollow si AA pero parang hindi nito sinagot ang tanong.

Ano naman kaya ang rason ni AB sa pag-a-unfollow kay AA? Wala kaming alam na isyu sa kanilang dalawa lalo na ngayon. Ayaw naming mag-elaborate at baka may mag-react na naman.

Carla nakatalilis pa-Spain

Last week na ng My Husband’s Lover. Tapos na ang taping, tapos na ang concert, kaya magagawa na ng cast ang mga bagay na hindi nila nagawa habang hindi pa natatapos ang taping.

Si Carla Abellana, the day after the concert ay lumipad for Spain para magbakasyon. Hindi nito nabanggit kung kailan ang kanyang balik, baka bago umalis ang grupo ng My Husband’s Lover for their US tour nakabalik na siya ng bansa.

Nabanggit nito na sa bagong kontrata sa GMA Network, one soap a year lang siya at hosting ang isa pang show.

Sa Nov. 20 to Dec. 10 ang first sa US tour ng cast, bago umalis, magpo-promote muna sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez ng kanilang album at ang kanya-kanyang pelikula na showing this November. Ang Sapi ni Dennis ay showing sa Nov. 6 at ang Gaydar ni Tom ay Nov. 13.

After ng US tour, dide­ret­so na yata si Tom sa fa­mily niya sa Arizona para sa kanyang Christmas vacation.

Si Dennis naman ha­bang wala pang new project, ba­­balikan ang sur­fing na matagal na niyang hindi nagagawa at mag-spend ng time with his family and son.

Direk Dominic hindi na sanay matulog

Biniro namin si Direk Dominic Zapata na nga­yong tapos na ang My Husband’s Lover, ma­ka­katulog na siya ng mahimbing. Sagot nito, hindi na siya sanay matulog at hindi na alam kung paano matulog. Saka, may kasunod na siyang trabaho da­hil siya ang direktor ng bagong soap ni Marian Rivera at si Suzette Doctolero rin ang head writer, kaya magkasama pa rin sila sa trabaho.

Nakakatuwa si Direk Dom dahil nang tinanong sa en­ding ng pink serye, ikinuwento ang mangyayari sa final week. Nakiusap lang na ’wag muna naming isulat.

 

AKTRES A

AKTRES B

ANG SAPI

DENNIS TRILLO

DIREK DOM

MY HUSBAND

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with