Umpisa na sa pagiging jet-setter Megan babu na sa ‘Pinas!
Ngayon ang last day ni Miss World 2013 Megan Young sa Pilipinas dahil babalik na siya sa London, England na magiging official residence niya sa loob ng isang taon.
Tinapos na ni Megan ang lahat ng commitments, ang courtesy call kay P-Noy at ang pagdalaw niya sa Senado para tanggapin ang parangal sa kanya ng mga mambabatas.
Hindi masabi ni Megan ang next trip niya sa Pilipinas dahil busy na siya sa kanyang mga obligasyon bilang Miss World. Thirty countries all over the world ang pupuntahan ni Megan, kasama si Julia Morley, ang head ng Miss World Organization. Literal na magiging jet-setter si Megan dahil sa dami ng bansa na bibisitahin niya. Imposible talaga na makagawa siya ng pelikula o teleserye na mangyayari lamang kapag isinalin na niya ang kanyang korona sa lucky girl na mananalo sa 2014.
Hindi lamang si Megan Young ang umapir kahapon sa Malacañang Palace dahil nagkaroon din ng courtesy call si Miss Supranational Mutya Datul.
Nagpista kahapon ang mga empleyado ng Malacañang Palace dahil magagandang babae na parehong may suot na korona ang mga nasilayan nila.
Kung si Julia Morley ang chaperon ni Megan nang makipagkita ito kay P-Noy, si Madame Stella Marquez de Araneta ang kasama ni Mutya sa courtesy call nito sa pangulo ng Pilipinas.
Geoff nagbunga na ang sakripisyo
Nagbunga ng maganda ang matagal na pagpapahinga ni Geoff Eigenmann dahil malaki ang ipinayat niya nang ma-sight siya sa show ng My Husband’s Lover cast sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado.
Guwapung-guwapo ang aktor dahil bumagay sa kanya ang long hair niya. Papasa nga siya na Hollywood actor dahil sa kanyang itsura ngayon.
Ang pagpayat ni Geoff ang hudyat na ready na siya na umarte uli sa harap ng mga kamera. Napilitan siya na iwanan ang showbiz dahil lumobo nang husto ang kanyang katawan.
Maipagmamalaki na ngayon ni Geoff na tagumpay ang ilang buwan na pagkawala niya sa showbiz dahil physically fit na siya.
Ryzza Mae suki ng mga guro
Gustuhin ko man, hindi ako makakapunta sa Gabay Guro sa Oct. 26 kahit mahigpit ang imbitasyon nina Chaye Cabal-Revilla at Papa Gary Dujali.
Araw ng Sabado ang bonggang event ng Gabay Guro sa Mall of Asia Arena sa Pasay City at kasabay na kasabay ito ng Startalk.
Hindi ko puwedeng hindi siputin ang Startalk at kung tutuloy ako sa Gabay Guro pagkatapos ng aming show, baka wala na akong abutan sa MOA Arena.
Walang dapat ipag-alala sina Mama Chaye at Papa Gary dahil pupuntahan ng Startalk crew ang kanilang event dahil mga Kapuso star ang ilan sa special performers tulad nina Marian Rivera, Rocco Nacino, at Ryzza Mae Dizon.
Suki na si Ryzza Mae ng Gabay Guro dahil kabilang din siya sa mga performer noong nakaraang taon at nakasama pa niya sina Jose Manalo at Wally Bayola.
Huwag na nating alamin ang pinagkakaabalahan ngayon ni Wally dahil siguradong contemplating pa rin siya dahil sa paglabas ng kanyang sex video scandal. Mas mahalaga na pinatawad siya ng kanyang misis at mga anak na nakaramay niya noong mga panahon na hot na hot ang sex video scandal nila ng isang member ng EB Babes.
- Latest