^

PSN Showbiz

‘Masyadong madumi sa akin ang pulitika’ — Piolo

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala talaga sa hinagap ni Piolo Pascual na magpulitika. Ito ay kahit na tuluy-tuloy ang pagtulong niyang sa kawanggawa ng Sun Life Philippines.  “Masyadong madumi sa akin ang pulitika,” sagot ng Kapamilya actor tungkol sa pagkandidato. “Mabuti at wala sa puso ko ang pulitika, ayoko talagang tumakbo.”

May ilan kasing nagdududa na sa pulitika rin ang bagsak ng aktor kung saka-sakali.

Samantala, wala pang naka-line up na TV project si PP.

So far, ang pinagkakaabalahan niya sa kasalukuyan ay ang movie nila ni Toni Gonzaga, concert tour with Angeline Quinto, and isang indie film na may title na Silong with Kapuso actress Rhian Ramos.

Apoy sa Dagat ang huling project niya sa Kapamilya Network with Angelica Panganiban.

Anyway, pangungunahan na naman ni Piolo ang SunPio­logy Color Run na happening on Nov. 23, Saturday, at Bonifacio Global City, Taguig City.

This time mas maraming Star Magic stars ang makakasama ng actor.

Pagkatapos ng takbuhan ay magkakaroon ng after-show party featuring vibrant production numbers from your favorite stars!

“This year, we are making the holiday season more vivid and charitable with the SunPiology. We just want everyone to enjoy running with their friends and family. Then let us help you relax and cool down with an after-show rave party,” imbitasyon ni Piolo who established the Hebreo Foundation with his siblings.

Puwedeng mag-register sa www.sunpiology.com for a run-and-party ticket ranging from P250 to P800. Distances include 1k for kids, 3k, 5k, and 10k.

So, sino naman kaya ang gustong makasama ni Piolo sa pagtakbo?

“Wala, kung sino lang ang gusto. Mahirap na,” sabi niya nang may mag-urirat kung sino ang puwedeng makitakbo sa kanya na espesyal.

Maging si Shaina Magdayao na nali-link sa kanya nga­yon ay hindi niya binanggit.

Malalaking artista ng Kapuso at Kapamilya magsasama-sama sa malaking project ng Bossing ng TV5

Isang malaki at bonggang tribute para sa ating mga beloved teacher ang ibibigay ng PLDT-Smart Foundation’s Gabay Guro.

Ito ang ika-anim na taon na binibigyan nila ng pagkakataon ang mga teacher na sandaling kalimutan ang responsibilidad at sila naman ang ma­ging bida.

Ang grand gathering ay gaganapin sa Oct. 26 sa MOA Arena, Pasay City.

Magsisilbing host sina Edu Manzano and Derek Ramsay na parehong exclusive artist ng TV5. Pero hindi lang pawang mga taga-Singko ang magpapasaya sa mga teacher dahil nag-imbita rin ang Gabay Guro ng mga artista ng ABS-CBN at GMA 7 — magiging performer sina Ryzza Mae Dizon, Anne Curtis, Judy Ann Santos, Marian Rivera, Jodi Sta. Maria, Martin Nivera, Pops Fernandez, and Rocco Nacino. Yup, you read it right, pinagsama-sama nila ang mga malalaking pangalan para naman lalong mag-enjoy ang mga teacher na magpa-participate sa tribute ng Gabay Guro.

Ang Gabay Guro na pinangungunahan by no less than PLDT-Smart Foundation Chairman of the Board of Trustees Manny V. Pangilinan and 2G Chairman Ms. Chaye Cabal-Revilla.

At bukod sa mapapanood na nila ang mga paborito nilang artista, aba, sosyal ang mga ipamimigay nilang premyo sa dalawang masuwerteng guro – house and lot courtesy of Stateland Inc. and a brand new Foton LCV van. Bukod pa sa may tsansa ring manalo ang iba ng livelihood program packages and cash gifts.

Ang programa ay pinatatakbo ng mga bossing ng PLDT – volunteers composed of executives from the PLDT Manager’s Club, Inc. Brainchild ito ng VP for Finance ni MVP na si Ms. Chaye at suportado ng PLDT-Smart Foundation.

Meron silang Facebook para sa additional info.                       

 

ANG GABAY GURO

ANGELICA PANGANIBAN

ANGELINE QUINTO

ANNE CURTIS

GABAY GURO

PIOLO

SMART FOUNDATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with