Voices of Five kinakanta ang totoong istorya ng buhay
MANILA, Philippines - Inilunsad kamakailan ang album ng talented na pop and RnB group na Voices of Five (Vo5) na binubuo nina Daryl Ong, Drey Reyes, Sol Glass, Johann Mendoza, at Wes Zerudo.
Kasama sa self-titled album nila ang una nilang single na Pagkat Mahal Kita na komposisyon ng respected composer na si Vehnee Saturno. Ito rin ang naging career single ng album.
Kabilang din sa album ang apat pang orihinal na awitin: Dapat Pa Ba na isinulat ni Daryl, Shower You With Love na isinulat ni Drey, Panaginip na lang na isinulat ni Karl Gaurano, at ang pangalawa nilang carrer single na Parang Langit na isinulat ni Teddy Katigbak.
Narito rin ang dalawang cover songs: On Bended Knee ng Boyz 2 Men at Mahal Pa Rin Kita ng Rockstars. Lahat ito ay iprinodyus at isinaayos ni Teddy na manager din ng Voices of Five.
Karamihan ng mga orihinal na awitin ay sumasalamin sa istorya ng tunay ng Vo5. Pinagsama nila ito sa isang album, inawit sa pamamagitan ng kakaibang boses ng bawat miyembro, at ginawang isa.
Bawat miyembro ng Voices of Five ay nagmula sa iba’t ibang sikat na banda tulad ng Version 4, Akafellas, South Border, K24/7, at Freshmen.
Mula nang mabuo ang kanilang grupo, mainit na tinanggap ng mga Filipino audience ang kanilang performances, mga kanta, at YouTube videos.
- Latest