^

PSN Showbiz

‘Ayoko siyang i-jinx’ Maxene iingatan na ang relasyon sa banker na BF

Mary Rose G. Antazo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Very happy ang Kapuso actress na si Maxene Magalona dahil very successful ang afternoon serye nilang Mga Basang Sisiw na kasama niya sina Mike Tan, Lani Mercado, Raymond Bagat­sing, at ang mga batang bida. In fact, isa ito sa masasabing pinakamataas halos na rating at sa finalé week episodes nito ay kaabang-abang ang mga pangyayaring magaganap sa character ni Maxene bilang si Vicky. First kontrabida role ng aktres ito at sobrang na-enjoy niya ito ng husto bagama’t minsan ay nadadala na niya in real life ang pagiging mainitin ang ulo at madaling magalit.

 â€œSobrang sira-ulo na si Vicky, habang tumatagal lalo na. Pero alam n’yo, kung ako talaga, dapat lalong mas masaktan pa siya sa mga masasama niyang pinaggagawa,” kuwento ni Maxene nang dalawin namin sa final taping ng Mga Basang Si­siw sa Boystown sa Marikina.

Kuwento pa niya, marami raw twists and turns na mangyayari sa pagtatapos ng serye at hindi raw ito ‘yung usual show na may kontrabida, may bida, ’tapos mananalo ‘yung bida. It’s an ensemble cast and lahat ng characters sa show ay importante.

Samantala, hindi na rin siyempre namin pinalampas na usisain ang love life ngayon ni Maxene. Currently, in love at blooming ngayon ang dalaga dahil sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Chino Capuyoc. Bago pa lang daw ang kanilang relasyon pero matagal na niyang kakilala ang guy sa Ateneo.

“I’m happy, very, very happy kasi parang everything was perfect timing lang talaga,” deklara ng aktres.

Same age raw sila ni Chino at isa raw itong banker at ipinagmamalaki niya ang mga achievement ng boyfriend.

Paano sila nagkakilala ng current boyfriend niya?

Kuwento ni Maxene, “Actually we’ve known each other since college. ’Yung best friend niya, ’yung kabarkada niya, is the boyfriend of my sister (Saab Magalona).

“I just see him as a friend and now...”

Ano ang qualities ni Chino ang nagustuhan niya?

Sagot ni Maxene, “Ako naman kasi never ko naman inisip ’yung requirement. Kumbaga click kami and on top is destiny and we have a healthy relationship.

“Yun ang importante, ’di ba?” 

Nang tanungin namin kung sa tingin niya ba ay pang-matagalan na ang relasyon nila ng non-showbiz guy at kung ito na ba sa tingin niya ang puwede niyang mapangasawa, ang sigurado raw niya ay gusto niyang ingatan ang relasyon na ito.

“I want to take care of whatever I have right now kaya parang, basta, ayo­ko siyang i-jinx,” natatawang say ni Maxene.

 

 

 

 

vuukle comment

CHINO CAPUYOC

KUWENTO

LANI MERCADO

MAXENE

MAXENE MAGALONA

MGA BASANG SI

MGA BASANG SISIW

MIKE TAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with