Toni may oras nang mag-asawa
Ba’t ba natsugi si Toni Gonzaga sa The Buzz? Pati rin daw si Charlene Gonzales. Balitang papalitan sila nina Carmina Villaroel at Janice de Belen. Paano na ang programa na hino-host ng dalawa, mababakante din ba? O baka sina Toni at Charlene naman ang papalit. Ang gulo, kung sakali, ’di ba?
Medyo makapagpapababa ito ang morale ni Toni na sa kasalukuyan ay sinasabing napapatungan ng kanyang kapatid sa pagiging host. ’Di bale si Charlene who can always go back to being mom to Atasha and Andres.
Baka naman dahil d’yan ay magdesisyon na lang mag-asawa ni Toni. Maganda naman ang takbo ng career ng dyowa niya.
Speaking of The Buzz, bumababa na ba ang ratings nito para bigla na lang nilang tanggalin ang dalawang babaeng co-host ni Boy Abunda? Paano kung hindi ito mapataas nina Janice at Carmina, matatanggal din ba sila?
Elmo baka magaya sa kapalaran ni Mikael
Ewan ko ba naman dito kay Elmo Magalona, kung bakit itinatanggi pa ang relasyon nila ni Lauren Young eh marami na ang nagsasabing silang dalawa na, noon pa! Nakikita pa raw silang nagho-holding hands.
Kayo rin baka sa kadi-deny n’yo ay magaya kayo kina Mikael Daez at Miss World Megan Young na nauwi lamang sa wala. Wala na namang love team na maapektuhan. Hiwalay na sina Elmo at Julie Anne San Jose.
- Latest