Sikat na aktres nag-iiyak at malaki ang tampo sa kanyang network
Nag-iiyak at malaki raw ang tampo ng aktres sa kanyang network ngayon na kamakailan lang ay panay ang pasasalamat sa kanyang iluÂlunsad na programa.
Ang sabi ng source, nakaramdam ng tampo ang aktres dahil mas mauunang ipalabas ang kanyang show. Ang original plan pala ay sabay na ipalalabas ang show ni aktres at isa pang show ng isa pang sikat na kasamahan niya sa network. Ang kaso naurong ang pagpapalabas ng isa kaya parang may nararamdaman daw takot ang aktres na sikat sa kanyang programa.
Ang isa pa raw ikinatatampo at ikinaiyak ni aktres ay nang makita umano nitong maliit lang ang ad ng kanyang show habang ang ibang shows ng kanyang network, ang laÂlaki ng print ad. Sa kanya raw kakapiraso.
Nagsumbong daw ang sikat na aktres sa ilang kaibigan at nag-iiyak daw ito.
Teka, bakit kaya nakakaramdam ng takot ang aktres? Siya ang nagsabi na maganda ang programa kaya wala siyang rason na kabahan at umiyak.
Hindi na nito kailangan ang clue ha. Ang dali kayang hulaan. Hehehe.
Joey Paras doble-doble ang nararamdamang kaba sa Bekikang
Doble-dobleng kaba ang nararamdaman ngayon ng komedyanteng si Joey Paras dahil sa October 23 na ang showing ng launching movie niyang Bekikang, Ang Nanay Kong Beki na dinirek ni Wenn Deramas for Viva Films.
“Panay ang dasal ko na sana bigyan nila ako ng chance, panoorin nila ang pelikula. Hindi lang ito basta comedy. May drama at sure ako na tatama sa damdamin nila,†sabi ng komedyanteng sa entablado nag-umpisa bago pa man nagkaroon ng break sa TV.
In fairness sa trailer pa lang ng Bekikang, nakakatawa at nakakaiyak na.
“Alam mo naman ibang umatake si Direk, meron siyang formula na siya lang ang nakakagawa,†dagdag ni Joey.
Ang isa pa raw advantage ng pelikula, maraming part nito na kuha sa totoong buhay ni Direk Wenn. Kaya raw pag nasa shooÂting sila, wala silang problema kasi mismong si Direk ang nagga-guide sa kanya maging sa kanyang mga dialogue.
Isa si Regine Velasquez sa mga nakita kong nagpo-promote ng Bekikang dahil nakasama niya si Joey sa I Heart You Pare sa GMA 7 noon.
Iskandalo ng mga Barretto, pinagsasawaan na
Nabawasan na ang nagkaka-interes sa eskandalo ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie, and Claudine Barretto.
Ayon sa dating nakatutok sa problema ng magkakapatid, nakakasawa na at saka parang OA na ang mga development dahil kanya-kanya na silang batuhan ng mga baho sa publiko.
Sa panahon daw na ang daming problema ng bayan at kapaligiran mas mabuting magbasa ng positibong nangyayari sa buhay ng ibang tao.
- Latest