Cheche Lazaro papasukin ang mundo ng mga homosexual
MANILA, Philippines - Susuriin ng dokumentaryong Cheche Lazaro Presents ang mundo ng mga lesbian o tomboy, mga bading, transgender, at bisexual (LGBT) at ang pakikipagsapalaran nila tungo sa pagtanggap ng lipunan ngayong Linggo (Oktubre 13) kasabay ng pagdiriwang ng National Coming Out Day ngayong Oktubre.
Noong 2005, lumabas sa dalawang nationwide surveys na isa sa bawat apat na Pilipino ang ayaw magkaroon ng kapitbahay na tomboy o bading. Sa sumunod na taon naman noong 2006 at noong 2009 ay nagprotesta ang gay community sa Pilipinas matapos hindi kilalanin ng Commission on Elections ang party-list group na Ladlad.
Paliwanag ng COMELEC, hindi maaaring tumakbo para sa 2007 elections ang Ladlad dahil kapus daw ito sa nationwide membership. Ibinasura naman sila ng ahensya para sa 2010 elections dahil sa diumano’y imoralidad ng grupo.
Umabot ito sa Korte Suprema kung saan kinatigan ang Ladlad at pinayagan itong kumandidato para sa 2010 elections. Hindi nga lang nagwagi ang naturang LGBT political party na layuning isulong ang pantay na karapatan sa kasarian.
Sa paglipas ng panahon, may iba-ibang pananaw at pakikitungo ang bawat Pilipino sa mga miyembro ng LGBT community. Hindi rin kaila ang diskriminasyon, pambubully, pananamantala o minsan pa nga’y pagpatay sa mga kagaya kanila. Ganon pa man, marami nang personalidad ang naglaladlad sa tunay nilang kasarian para yakapin at mabuhay sa katotohanan.
Tatalakayin ni Cheche Lazaro sa dokumentaryo ang konsepto ng homosekswalidad at ang anyo nito sa iba’t-ibang paÂnaÂhon. Itatampok sa dokumentaryo ang mga opinyon at kwenÂto ng ilang taong kaisa sa LGBT community.
Kabilang sa kakapanayamin ang dating child star at ngayo’y mang-aawit na si Aiza Seguerra at komedyanteng si Ogie Diaz na bagamat bading ay bumuo ng masayang pamilya kaÂsama ang asawa at apat na anak.
Idedetalye naman ng isang babae kung paano siya binabago ng siyensya at naging lalaki, habang magbibigay saloobin naman ang kanyang konserbatibong ama kung paano siya tinanggap ng kanyang pamilya. Ipapakita rin ang kwento ng isang bisexual na pastor na naghihintay na lamang ng ordiÂnasyon mula sa simbahan. Magbabahagi naman ng panaÂnaw ang mag-asawang bading tungkol sa pag-ibig at pamilya, habang walo pang bading ang magbubukas na kani-kanilang kwento.
Kasama rin sa talakayan ang mga eksperto sa iba’t ibang larangan na kinabibilangan ng isang psychologist, geneticist, sex realignment doctor, human rights activist at mga pari.
- Latest