^

PSN Showbiz

Pati pag-iyak nang makita ang ina hindi na ipina-cover, mga kilos ni Megan de numero, guwardiyado, at dinidiktahan ng taga-Miss World

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Bentang-benta na ang bagong karakter na pinapauso ngayon ni Nanette Inventor bilang si Nanette Nafoolish. Siya ang magpapasaya sa umaga ni Regine Velasquez sa Sarap Diva ngayong umaga.

Kasama ni Nanette ang dati pa niyang ka-tandem na si Mitch Valdez kaya riot ang episode na ito na kung saan naghanda pa si Nanette ng diabetic-friendly na pares.

PAK: Gustung-gusto na pala ni Elmo Magalona na maging isang magaling na chef kaya pursigido ito sa pag-aaral sa College of St. Benilde ng culinary arts.

Type raw niyang ma-specialize ang mga Pinoy dish kaya nagpapraktis na siyang magluto ng adobo na ang mga ate raw niya ang unang nakatikim pero wala silang comment sa niluto niya.

“No comment, ang sabi nila. Hindi sila na-impress masyado siyempre una ko pa lang magluto. Soon, ipapa-impress ko sila,” natatawang kuwento ni Elmo.

Next week ay magsisimula na pala ang young actor mag-taping sa Villa Quintana at dito ilo-launch ang love team nila ni Janine Gutierrez.

BOOM: De numero na pala ang kilos ni Megan Young bilang siya ang reigning Miss World 2013.           

Likas na matsika at palabati kasi si Megan kahit nung may title na siyang Miss World-Philippines. Pero pagdating nito nung kamakalawa lang, sinasabi na niya sa mga kaibigan niyang reporters na hindi na siya puwedeng magbeso o yumakap. Okay lang daw mag-hold ng hands pero kinokorek na raw ang mga kilos nito bilang isang beauty queen.

Lahat na mga kilos at ginagawa ngayon ni Megan ay aprubado ng Miss World dahil laging nakabantay sa kanya si Julia Morley.

Naloloka na ang mga taga-media na gustong ma-interview si Megan dahil ina-approve raw ng mga tauhan ni Julia pero last minute ay pinapa-cancel nila ito.

Pati nga ’yung madamdaming pagkikita nina Megan ng kanyang ina ay hindi nila pinakunan.

Hindi na-capture na nag-iyakan ang mag-ina nang magkita sila sa victory party ng beauty queen-actress.

vuukle comment

COLLEGE OF ST. BENILDE

ELMO MAGALONA

JANINE GUTIERREZ

JULIA MORLEY

MEGAN

MEGAN YOUNG

MISS WORLD

MISS WORLD-PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with