^

PSN Showbiz

Daan-daang libong tao, dumagsa sa Grand Kapamilya Weekend

Kane Errol Choa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbalik-tanaw ang ABS-CBN sa mga pinaka-hindi malilimutang programa nito, at naghandog ng serbisyo publiko, mga kwelang pakulo, at oportunidad na makasalamuha ang pina­kamalalaking Kapamilya stars sa daan-daan libong taong dumagsa at nakisaya sa makasaysayang Kwento ng Kasiyahan: The Grand Kapamilya Weekend noong Sabado at Linggo (Oct 5 at 6) upang bigyang pugay ang 60 taon ng Philippine television.

Hindi ininda ng libu-libong madlang people ang init ng araw sa panonood ng live telecast ng It’s Showtime sa Quezon Memorial Circle (QMC). Binigyang pugay ng noontime show ang ilan sa classic Kapamilya programs gaya ng Chika Chika Chiks, Home Along Da Riles, Palibhasa Lalake, at May Bukas Pa na ang cast members ay nakibahagi sa isang espesyal na edisyon ng Sine Mo ‘To.

Nagtipun-tipon din sa iisang stage ang mga bida ng Kapamilya fantaserye gaya nina Vhong Navarro bilang Lastikman, Angel Locsin bilang Lyka sa Lobo, Anne Curtis bilang Dyosa, at Jericho Rosales bilang Panday, habang nagsama sa isang performance ang cast members ng Goin’ Bulilit at Ang TV.

Isang higanteng party din ang naganap sa ASAP 18 sa Marikina Sports Complex kung saan higit sa 100 na Kapamil­ya Stars ang nagsanib-puwersa para sa makasaysayang pagdiriwang gaya nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Kim Chiu, Gerald Anderson, at Coco Martin.

Binigyang pugay ng ASAP 18 ang Kapamilya shows na talaga namang tumatak na sa puso ng mga Pinoy sa nakalipas na 60 taon, mula sa mga tele­serye, sitcoms, reality, talk, at variety shows. Ilan sa highlights ng programa ay ang grand reunion ng cast ng Palibhasa Lalake, Tabing Ilog, at ang ASAP boy group na Kanto Boys.

Noong Sabado ng gabi sa QMC, naghandog ng libreng concert ang M.O.R. 101.9 For Life na pinamagatang MOR Live: Kwento ng Musikang Pilipino tampok ang 20 na OPM artists, kabilang na sina Daniel Padilla at Enrique Gil, at ang espesyal na sing-dance-acting performance ang lahat ng M.O.R. DJs.

Para naman sa huling bira ng Grand Kapamilya Weekend noong Linggo ng gabi, isang gabi ng tawanan at kantahan ang inihatid ng mga komedyanteng sina Pokwang, KitKat, K Brosas, Chokoleit, John Lapus, Jason Gainza, at Be Careful With My Heart stars na sina Doris at Sabel sa Kapamilya KTV.

Pormal na binuksan ang star-studded na  Grand Kapamilya Weekend nina ABS-CBN chairman na si Eugenio Lopez III, ABS-CBN president and CEO na si Charo Santos-Concio at iba pang network executives, Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, TV Patrol anchors na sina Noli De Castro, Korina Sanchez, at Ted Failon, at MTRCB chairman Atty. Toto Villareal sa isang opening ceremony na pinangunahan nina Kris Aquino at Boy Abunda bilang hosts. Inawit din ni Zsa Zsa Padilla sa nasabing cere­mony ang theme song ng 60th anniversary ng ABS-CBN.

Dinayo rin ng fans ang maaksyong Kapamilya All-Stars Basketball Game sa Araneta Coliseum at ang Kapamilya All-Stars Volleyball Game sa Marikina Sports Complex.

Samantala, umabot naman sa 88,190 katao sa bansa at sa Estados Unidos ang nakiisa sa One Run, One Philippines: Isang Bayan Para sa Ka­li­kasan noong Linggo para tustusan ang ilang proyektong pangkalikasan ng ABS-CBN.

ANGEL LOCSIN

DANIEL PADILLA

GRAND KAPAMILYA WEEKEND

JOHN LLOYD CRUZ

KAPAMILYA

LINGGO

MARIKINA SPORTS COMPLEX

PALIBHASA LALAKE

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with