^

PSN Showbiz

Magagandang qualities ni Dingdong puring-puri ni Bea

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sadyang napakasuwerte ng Kapuso Primetime King at two-time award-winning actor na si Dingdong Dantes dahil kahit isa siyang certified GMA star, nakukuha niyang tumawid ng bakuran, sa rival network na ABS-CBN, dahil sa pelikulang ginagawa niya sa ilalim ng Star Cinema, ang film company ng Kapamilya Network.

Ngayon ay muling gumawa si Dingdong ng pelikula under Star Cinema, ang light romance movie na She’s the One at kapareha niya for the very first time ang primetime princess at box-office star na si Bea Alonzo.

Unang ginawa ni Dingdong sa bakuran ng Star Cinema ang horror movie na Segunda Mano with Kris Aquino at sumunod dito ang heavy drama movie na One More Try kung saan naman niya nakasama sina Angel Locsin at Angelica Panganiban.

All praises ang boyfriend ni Ma­rian Rivera sa kanyang bagong kapareha na si Bea dahil bukod sa mahusay na aktres, na­pakagaan nitong katrabaho, ga­no’n din naman ang bumubuo ng cast at ang direktor mismo ng pelikula na si Mae Czarina Cruz.

“Marami akong naririnig na magagandang qualities ni Dingdong kaya na-excite akong makatrabaho siya,” pag-amin naman ni Bea.

Samantala, inamin ni Enrique Gil na kasama rin sa pelikulang She’s the One, na posible umano siyang ma-in love sa isang mas may edad sa kanya tulad ni Bea who is a few years older sa kanya.

“Kung kasing ganda at kasing bait naman ni Bea, walang imposible,” pahayag ng tinaguriang Next Ultimate Leading Man na si Enrique.

Ang She’s the One ay nakatakdang ipalabas in 120 theaters nationwide simula sa Oktubre 16.

Daniel nahihiya kay Kris

Kasama ang ex-boyfriend ni Heart Evangelista na si Daniel Matsunaga sa pelikulang She’s the One. Although he admits na masaya siya na kasama siya sa pelikula, hindi naman daw kahabaan ang kanyang role.

Samantala, nagtataka si Daniel kung bakit siya nali-link sa TV host-actress na si Kris Aquino? Never daw siyang nag-attempt na ligawan ang presidential sister dahil mataas umano ang pagtingin niya sa mommy nina Joshua at Bimby.

Nahihiya nga si Daniel kay Kris dahil pilit silang nili-link sa isa’t isa kahit wala naman umaong basehan.

Walang exclusive contract si Daniel sa anumang istasyon or film outfit kaya malaya siyang makakapagtrabaho sa iba’t ibang TV network at movie companies.

 

ANG SHE

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

BEA

BEA ALONZO

DANIEL MATSUNAGA

DINGDONG DANTES

KRIS AQUINO

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with