Sino ang susunod na Reyna ng Karinderya?
MANILA, Philippines - Sino nga ba ang magiging Carinderia Queen na siya ring magiging ambassador ng lahat ng mga may-ari ng mga karinderya ngayong taong ito?
Hindi ito ordinaryong beauty contest na pagandahan o paseksihan ng mga contestant. Isa itong pagpaparangal sa mga nanay, ate, tita, at iba pa na nagsisilbi sa mga parokyano ng bawat karinderya sa bansa. Isa rin itong inspirasyon para maipagmaÂlaki ng mga kusinera at may-ari ng karinderya ang kanilang hanapbuhay.
Sa Magnolia Fresh Chicken Carinderia Fiesta 2013 na idaraos sa Oktubre 11 at 12 sa World Trade Center, Pasay City, tampok ang contest para sa susunod na Carinderia Queen.
May 80 naggagandahang Carinderia Queen aspirants ang naglaban-laban sa pre-pageant ceremonies na idinaos sa Manila Ocean Park para sa tsansang manalo bilang isa sa 14 semi-finalists. Sasama sila sa iba pang participants at maging sa drum and bugle corps sa welcome parade at rarampa sa Oktubre 11 para sa Carinderia Queen Pageant Talent Night.
Idedeklara ang bagong Carinderia Queen at ang kanyang court sa coronation night sa Oktubre 12 na ang host ay si Amy Perez at may iba pang special guests.
Ang mga hurado ay pangungunahan ni Mama Renee Salud at magsusuri sa mga kandidata batay sa kanilang karunungan sa negosyong kainan, personalidad, ugali, at ang kanilang mga kuwento sa buhay-karinderya na nakakapagbigay ng inspirasyon.
Ang Carinderia Queen 2012 na si Ms. Luisa Matsushita ng Chezta Eatery ay nakapagpatayo na ng dalawang sangay ng kanyang karinderya mula nang siya ay manalo.
Inilunsad noong Setyembre 23-24, 2011 sa World Trade Center ang Magnolia Fresh Chicken Carinderia Fiesta at pinapurihan ng publiko at ng iba’t ibang kumpanya sa industriya ng pagkain dahil sa naging tagumpay nito.
Para sa dagdag na impormasyon, bumisita sa www.carinderiafiesta.com o Carinderia Fiesta Facebook Fanpage o kumontak sa Marylindbert International sa telepeno, 899-1943 to 44.
- Latest