^

PSN Showbiz

Piolo umaming niligawan si Toni noong bagong pasok sa ABS-CBN

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nakagawa na raw ng isang pelikula ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo pero ayon sa aktor ay hindi raw magtutuluy-tuloy sa show business ang kanyang anak.

“He just did because it was summer but there’s not going to be any promo kasi ang usapan namin we’re going to use the credential points for college. So, parang credit points ’yun sa course na kukunin niya so puwede niyang gamitin ’yun para sa scholarship, only for that. Para sa akin pag-aaral muna talaga,” pahayag ni Piolo.

Masaya raw ang aktor na kahit paano ay nakapagbida na rin sa isang proyekto ang kanyang anak.

“He’s really happy. He never complains and I’m happy na nakagawa siya ng pelikula. ’Di ko maisip na at this early nakagawa siya,” dagdag ng aktor.

Samantala, nangangalahati na raw halos ang shooting ng pelikulang pagtatambalan nila ni Toni Gonzaga.

“Siyempre it’s exciting because the last time I work with her was Milan. Nakakatuwa to be working with her again. Ibang Toni Gonzaga ang makikita n’yo rito, maski ako eh natutuwa ako sa kanya kasi parang how she’s being transformed. Makikita mo talaga ’yung growth niya as an actress,” giit ng aktor. 

Inamin din ni Piolo na minsan din niyang niligawan noon si Toni.

“When she was starting out in ABS (CBN) pero ’di nga natuloy noon kasi busy siya, busy ako, ’tapos iba naman ’yung priority niya noon. Bata pa siya. Lumabas kami once or twice but that’s it,” kuwento ng aktor.    

Jason nag-produce ng concert ni Abra

Magsisimula na mamayang gabi ang teleseryeng Maria Mercedes na pinagbibidahan nina Jessy Mendiola, Jake Cuenca, at Jason Abalos. Malaki raw ang pasasalamat ni Jason sa Kapamilya Network dahil muli siyang nabigyan ng isang malaking proyekto.

“Masayang-masaya ako at parang comeback ko rin siya sa ABS-CBN. Matagal akong napahinga at nabigyan ulit ako ng napakagandang material. So thankful kami na kami ang isinama rito dahil inaabangan ito eh. Matagal itong ginawa ni Thalia, ’tapos ito gagawin naman ng mga Filipino,” bungad ni Jason.

Nakahanda na rin ang binata na gumawa ng mga maiinit na eksena kasama si Jessy kung kinakailangan ito. “Masarap katrabaho si Jessy. Full of energy, parang madadala ka sa mga ginagawa niya sa set. Kung ibibigay sa amin, handa kami,” natatawang pahayag ni Jason.

Ngayon ay may kasintahan ang aktor pero hindi naman magkakaroon ng problema kung gagawa man sila ng intimate scenes ni Jessy.

“Hindi pa namin napag-uusapan pero siguro naman maiintindihan niya kasi bago kami magkakilala, ito na ’yung trabaho ko talaga. Magwa-one year na kami,” pagtatapat ni Jason.

Samantala, bukod sa pag-aartista ay na­subukan na rin ng aktor na mag-produce ng isang concert kamakailan.

“First time ko mag-produce. Kasama ako do’n sa nag-produce ng concert ni Abra. Meron kasi akong kaibigan na producer talaga, so, parang sinabi niya sa akin kung gusto ko subukan. Sabi ko, bakit hindi? Para naman may nagagawa ako kahit paano at makatulong din ako sa mga nagsisimula. Feeling ko sisikat ng todo si Abra,” pagbabahagi ni Jason. 

-Reports from JAMES C. CANTOS

 

ABRA

AKO

AKTOR

IBANG TONI GONZAGA

JAKE CUENCA

JASON

JASON ABALOS

JESSY

JESSY MENDIOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with