^

PSN Showbiz

Bong umiwas mandamay

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Matindi ang programang katapat ng Sunday All Stars pero kampante silang magri-rate dahil iba ang production number na pinaghandaan nila.

Out of the box ang naiisip nilang production number na kung saan binigyan sila ng isang bagay at doon sila kukuha ng ideya na gagawin nilang production number.

PAK: Totoo kayang isang mainit na torrid kissing scene nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez ang finale ng concert ng My Husband’s Lover? Isa raw iyon sa pinagtalunan ng husto kung ga­gawin ba ito ng dalawang bida.

Kahit si Carla Abellana ay tikom ang bibig sa mga sorpresang gagawin nila sa kanilang finale concert na gagawin sa Oct. 12 sa Smart Araneta Coliseum.

Kahit nga raw ang ending ng naturang pamintaserye ay may mga binago rin kaya pumasok doon ang karakter na gagampanan ni Ryan Agoncillo.

BOOM: Nagkaroon lang daw ng delicadeza si Sen. Bong Revilla, Jr. kaya napagdesisyunan nitong umatras na lang sa malaking project ng Iglesia ni Cristo na kung saan gagampanan niya ang role bilang si Ka Eraño “Erdy” Manalo sa Ang Huling Sugo.

Ayaw na lang daw ni Sen. Bong na madamay pa ang INC sa pinagdaanan nitong kontrobersiya kaya napagdesisyunan na niyang umatras.

Kasama rin dapat si Rep. Lani Mercado sa naturang pelikula pero umatras na rin ito.

Marami pa rin ang nagsasabing hindi makakaapekto ang project na iyon pero buo ang desisyon ni Sen. Bong na huwag nang ituloy ang naturang project.

Napatunayan pa rin naman ni Sen. Bong na hindi siya iniwan ng publiko dahil patuloy pa ring nakakakuha ng mataas na rating ang Kap’s Amazing Stories na napapanood tuwing Linggo ng gabi.

AMAZING STORIES

ANG HULING SUGO

BONG REVILLA

CARLA ABELLANA

DENNIS TRILLO

KA ERA

KAHIT

LANI MERCADO

MY HUSBAND

RYAN AGONCILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with