^

PSN Showbiz

Tonyboy Cojuangco ayaw makisawsaw!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sabi ko naman Salve A. na malayo pa ang ita­tak­bo ng kaso ng dating mag-asawang Raymart San­tiago at Claudine Barretto. Hindi na lamang ito laban ng dating mag-asawa kundi laban ng mag-asawang Miguel at Inday Barretto at ng kanilang bunsong anak na si Claudine laban sa mas naka­tatandang niyang kapatid na sina Gretchen at Marjorie Barretto.

Hinahangaan namin ang pagiging tahimik lamang ng long-time partner ni Gretchen, ang businessman na si Tonyboy Cojuangco, na hindi naki­kisawsaw sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kan­yang partner. Ganoon din naman ang pamil­ya ni Raymart na kahit kailan ay hindi nag-grant ng interview o pahayag tungkol sa problema ni Raymart sa dati nitong misis at sa pamilya nito maliban kay Randy.

Sa tagal na ng itinatakbo ng kaso, mukhang mahihirapan ang korte na magbigay agad ng desisyon pabor man o hindi sa estranged couple dahil parami nang parami ang mga ebidensiyang isinusumite ng magkabilang kampo.

Sa totoo lang, pati publiko ay napapagod na rin sa pagsubaybay sa live teleserye ng ex-couple na Raymart at Claudine at nang Barretto against Barretto.

Matt Evans nagpakasal sa babaeng galing sa buena familia

Kaanu-ano kaya ni Congressman Rudy Fariñas ng Ilocos Norte ang misis ngayon ni Matt Evans na si Katrina Fariñas Favis? Mukhang related.

Na-involve man before sa isang iskandalo si Matt sa dati niyang non-showbiz GF at kapatid nito, sa ibang babae siya nagpakasal.

Sa pagkakaalam namin, galing sa isang buena familia ang napangasawa ng young actor na produkto ng Pinoy Big Brother (PBB) at naging ka-love team ng young actress na si Melissa Ricks.

Anak na teenager ni Echo tanggap na tanggap ng magiging misis

January next year balak magpakasal ng award-winning actor na si Jericho Rosales sa kanyang kasintahang Filipino-British model-TV host na si Kim Jones. Wawakasan na rin ni Echo ang kanyang pagiging binatang-ama ng kanyang 12-year-old son na si Santino sa kanyang ex-girlfriend na si Kai Palomares.

Tanggap ni Kim ang pagkakaroon ni Echo ng isang teenage son at maganda ang relasyon ng mag-ama. Siguradong may role si Santino sa kasal ng kanyang ama at magiging stepmother na si Kim.

Echo is one actor na na-reinvent ang kanyang sarili sa pagdating ng mga taon. For a time ay nag-lie low siya sa kanyang acting career para subukan ang isa pa niyang talent, ang pagkanta. Pero hindi siya gaanong naka-take off bilang isang mang-aawit kaya balik siya sa pagiging aktor kung saan siya nag-excel ng husto. Echo is one of the finest actors of his generation.

 

vuukle comment

BARRETTO

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

CONGRESSMAN RUDY FARI

GRETCHEN

ILOCOS NORTE

MATT EVANS

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with