^

PSN Showbiz

Mommy Inday nagpa-planong supalpalin ang mga pinagsasabi ni Gretchen

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: First time na isi-share ni Kyla sa publiko ang bagong tahanan nila ni Rich Alvarez at ang baby nilang si Toby.

Hindi mahindian ng Princess of R&B si Regine Velasquez na i-feature nila sa Sarap Diva at mapapanood ito ngayong umaga. Naghanda siya ng salmon at malunggay dish para sa mga mother.

PAK: Turned off na ang sambayanan sa gulo ng pamilya ni Claudine Barretto dahil sa hiwalayan kay Raymart Santiago.

Dapat ay magsasalita pa si Marjorie Barretto sa Startalk para sagutin pa ang mga sinabi ni Claudine at ng ama nito pero umatras na lang dahil naglabas na rin ng statement si Gretchen Barretto na mas matindi — ibinunyag kung ilang beses nagpa-rehab ang kanilang bunsong kapatid dahil sa drug abuse at sa mental condition na rin.

Ang latest na narinig namin, naghahanda na rin daw si Mommy Inday Barretto ng sarili niyang statement bilang sagot sa mga pahayag nina Marjorie at Gretchen at ang saloobin sa lalong lumalalang gulo.

BOOM: May special participation si Ryan Agoncillo sa pagtatapos ng My Husband’s Lover.           

Kinunan ang mga eksena nito kahapon pero ayaw muna nilang sabihin kung bading ba ang role niya rito.

Ayaw ding sagutin ni Ryan kung siya nga ba ang bagong artist na pipirma sa Kapuso Network.

Nag-i-enjoy siya sa guesting niya sa sikat na “pamintaseryeng” ito at kung anuman ang susunod na plano sa kanyang career ay abangan na lang at malapit na rin naman nila itong i-announce.

                                                

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

GRETCHEN BARRETTO

KAPUSO NETWORK

MARJORIE BARRETTO

MOMMY INDAY BARRETTO

MY HUSBAND

PRINCESS OF R

RAYMART SANTIAGO

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with