^

PSN Showbiz

Martin nagpatikim ng kanyang burger

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Naaliw kami na makita si Concert King Martin Nievera na nasa harap ng griller at personal na naghahanda ng hamburger na inihain sa mga inimbita niyang press para sa presscon ng repeat ng kanyang concert na 3D (Tatlong Dekada) sa November 22 ,  Araneta Coliseum pa rin. May suot siyang apron na may nakalagay na King of the Grill.

In fairness, hindi naman daw ito ang first time na naging abala siya sa paggi-grill dahil pag weekend at wala siyang commitment, nag-iimbita siya ng mga kaibigan at nagba-barbeque sila na siya ang punong abala. Maging ang mga anak niya ay nakakasama niya sa barbeque session.

Ang yummy ng burger ha. Bukod sa burger ang da­ming food na inihanda sa presscon ni Martin para sa inimbitang press sa isang private garden.

Anyway, hindi plinano ni Martin ang nasabing repeat ng 3D (Tatlong Dekada) na naka-schedule sa November 22. Selebrasyon ang 3D2 concert ng kanyang 30 years sa industriya.

Ang gusto niya sana after ng kanyang 3D concert last September 13 ay sa mas intimate venue and series of shows, pero dumating ang offer na may gustong mag-produce ng repeat.

Sa kanyang September 13 concert, pinatunayan niyang siya ang nag-iisang concert king. Ipinakita ni Martin ang kanyang trademark na siya lang talaga ang meron.

Musical director pa rin niya si Louie Ocampo at stage director si Rowell Santiago.

Naging guest niya noon sina Anne Curtis, Bamboo, Aiza Seguerra, at anak niyang si Robin. Nakikanta rin noon si Gary V.

Sa repeat kunya-kunyaring ayaw niyang banggitin pero kasama sa mga magi-guest si Anne pa rin. “Sana bumalik pa sina Aiza and Bamboo. Sana si Arnell Pineda,” natatawa niyang sabi kahapon.

May dagdag na songs si Martin sa repeat at malamang na mag-guest na si Pops Fernandez na hindi kumanta noong first concert niya. Pero hindi pa raw ito nagko-commit.

Ang makasamang kumakanta si Lea Salonga ang isa sa mga gusto niyang gawin.

At tungkol sa kanyang girlfriend na naispatan sa Araneta last Sept. 13, walang mapiga sa concert king na puwede na rin ngayong tawaging king of the grill.

Tickets for 3D (Tatlong Dekada) are now available at Ticketnet – 911-5555 – para sa VIP 4,225; Patron P3,700; Lower Box P2,640; Upper Box P1,060; Upper Box P530; and general admission P265.

Bong tinanggihan na ang Sugo, Inc ayaw madamay sa pork issue

Tinanggihan na ni Sen. Bong Revilla na gawin ang pelikulang Sugo.

Siya mismo ang tumanggi at ipinaalam niya ito kahapon sa manager       niyang si Nay Lolit Solis na mangiyak-ngiyak sa naging desisyon ng kanyang alagang senador na nasa gitna ngayon ng matinding isyu dahil sa pork barrel.

“Kilala ko si Bong. Sure ako na mabigat ang decision niya. Kasi in fairness hindi naman talaga siya tinatanggal sa pelikula. Siya talaga ang nag-decide na ‘wag nang gawin. Gusto raw muna niyang ayusin lahat ang mga pork barrel pork barrel na ‘yan,” sabi ng talent manager at kolumnista rin ng PSN at siyempre isa sa host ng Startalk na nakaka-18 years na pala sa ere.

Gagampanan sana ni Bong ang role ni Ka Eduardo Manalo na ipalalabas sa ika-100 anibersaryo ng Iglesia ni Cristo sa susunod na taon.

Ipinarating daw ng senador sa pamunuan ng Iglesia na ayaw niyang madamay sa kontrobersiya ang pangalan ng INC, at idawit pa ito sa pulitika.

Nahihiya pa nga raw si Sen. Bong dahil napakatindi ng kanyang paggalang kay Ka Eduardo, tapos ay baka mabahiran ito dahil sa mga nangyayari ngayon.  Idinagdag pa raw ni Sen. Bong na siyempre, kailangan niyang bigyan ng atensiyon ang kinahaharap niyang legal battle, at dahil dito ay maaaring hindi sumapat ang panahon na maitutuon niya sa proyekto. 

Ayon naman daw sa INC ay pinag-aaralan nila ang sentimyento ng Senador.

Nanghihinayang daw sila sa mga nangyayari dahil kaibigan ng kapatiran si Sen. Bong, sabay sabi na anuman ang mangyari ay hindi magbabago ang pagkakaibigang ito. 

GMA nagsalita sa ambag sa kampanya ni Sen. Loren

Itinanggi ng GMA 7 na nag-ambag sila sa kampanya ni Sen. Loren Legarda noong nakaraang eleksiyon. Actually, wala akong kamalay-malay na meron palang ganitong isyu kung hindi pa nagpadala ng statement ang GMA 7. Lumabas pala sa isang broadsheet na nagsabing meron daw silang kontribusyon sa ginastos ng senadora sa kampanya.

Heto basahin ninyo ang kanilang statement.

“GMA Network (GMA) categorically denies the allegation that it has made any donation to the 2013 campaign of Senator Loren Legarda contrary to what was published in Malaya last Wednesday, October 2.

It was mentioned in the article that GMA allegedly donated P440,774 to the campaign of Sen. Legarda in the form of four ad spots, exclusive of the P21 million worth of television ads that Sen. Legarda purchased during the campaign period.

This is farthest from the truth. In fact, GMA, through its sales and marketing arm GMA Marketing and Productions, Inc. (GMPI), has already called the attention of Sen. Legarda’s authorized media agency, Havas, regarding these false allegations right after said claim was brought to their attention. Havas, in turn, confirmed that no donation was made by the Network.

Further, GMA has no direct dealings with Sen. Legarda. All of her media placements were coursed through Havas and were covered by official Telecast Orders and supporting documents in compliance with the COMELEC’s Election Code requirements. All of Sen. Legarda’s placements were likewise paid in advance and covered by corresponding official receipts.”

Kapuso employees dusa sa init, walang aircon ang buong building

Speaking of GMA, may aircon na kaya ang buong building? Marami na raw nagkakasakit dahil sa sobrang init sa buong GMA matapos magkaroon ng sunog sa basement 2 ng building ng Kapuso Network.

Maging ang mga taga-DZBB ay hindi na raw kinakaya ang init at maging sa mga studio.

Meaning malaki talaga ang naging perwisyo ng sunog sa GMA.

 

 

GMA

LEGARDA

NIYA

NIYANG

SEN

TATLONG DEKADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with