Raymart nagsalita sa paglustay sa credit card ni Claudine; Chito at Neri marami pang lalabas na sex video
PIK: Labanan ng magkakapatid ang mapapanood sa Celebrity Bluff bukas, na kung saan makikipagtunggali sa kalahating milyong pisong jackpot ang magkakapatid na sina Bodie at Djanin Cruz, Anjo at Jomari Yllana, at sina Michelle at Ehra Madrigal.
Pero mas lalong kuwela ang pakikipaglandian ni Jose Manalo kay Eugene Domingo na gustong pasikatin ang JoGe tandem.
PAK: Sa paglabas ng pangalawang sex video nina Chito Miranda at Neri Naig, napagdududahang may kasunod pa ito.
Hindi pa rin nagsasalita si Chito pero ang huling post lang niya sa kanyang Instagram account ay “God bless†na lang daw sa kung sino ang naglabas ng bagong sex video.
Dati ay suportado pa si Chito sa nangyaring iskandalo pero ngayon ay nag-iba na ang pagtingin sa kanya dahil mukhang nababastos na raw talaga si Neri.
Pero ang komento ng karamihang nakapanood sa second part ng ikalawang scandal, boring daw at walang bago silang napanood.
BOOM: Ang isa sa ikina-react ni Raymart Santiago sa mga huling pahayag ni Claudine Barretto ay ang sinabi ng aktres na kung meron lang daw silang pre-nuptial agreement, baka hindi umabot sa ganung gulo ang kanilang hiwalayan.
Nakasaad sa statement na ipinadala ng abogado ni Raymart: “Money is not the cause of Raymart and Claudine’s marital break-up. It is the lack of peace and harmony between them and in their household that it was no longer healthy for them and their children to stay together.
Sinabi kasi ni Claudine na ginagamit ni Raymart ang credit card nila na naka-extend lang dito ang aktor.
Pero sabi naman ni Raymart, si Claudine ang extension ng credit card ng kanyang amang si Mr. Miguel Barretto.
“Paano ko magagamit ang credit card niya eh sa kanya ’yun at pangalan niya ’yun? Paano naman mapupunta sa ’kin ’yun at bakit ko gagamitin? Meron din akong sariling credit card. Sila rin ang gumagamit nun. ’Wag nilang ibintang sa akin,†reaksiyon ng aktor.
Matagal na rin namang kumikita si Raymart dahil sa tuluy-tuloy na programa nito sa GMA 7.
- Latest