^

PSN Showbiz

Raymart kakasuhan ng illegal na pagkuha ng ‘pagtuturok’ video at photo ni Claudine

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi natuloy ang presscon ng Genesis kahapon dahil hindi pa naayos ang power sa GMA 7 dahil sa nangyaring sunog sa old building nito Linggo ng gabi.

Sa Oct. 7 na ang pilot episode nito at sobrang kinarir nina Direk Joyce Bernal at Mark Reyes ang pagsisimula nito.

Ang dinig namin, may ilan pang eksenang pinalitan pero pinabulaanan ng production staff.

PAK: Totoo kayang pagkatapos makoronahan si Megan Young bilang Miss World 2013 ay nag-break na sila ni Mikael Daez?

Ang pagkakaalam namin isa si Mikael sa nagsadya ng Indonesia para panoorin ang young actress at isa sa masayang-masaya sa pagkapanalo ng kasintahan.

Hindi pa naman ito nakumpirma ng isa sa kanila pero paano ba naman daw nila ito sasagutin eh hindi naman sila umamin ng kanilang relasyon?

BOOM: Panibagong kaso ang isasampa ni Claudine Barretto laban kay Raymart Santiago. Ito ’yung Rep. Act 4200 na kung saan illegal ’yung kinukunan ang isang taong hindi niya alam.

Dahil isa sa mga ebidensiya ni Raymart ay ang mga video at litratong nagtuturok umano ang estranged wife niya ng drugs. Hindi alam ni Claudine kung ano ang kinukuha sa kanya at bawal daw iyon kaya kakasuhan niya ang dating asawa.

Kung mahahabol, meron ding contempt of court na isasampa si Claudine laban kay Raymart.

 

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DIREK JOYCE BERNAL

MARK REYES

MEGAN YOUNG

MIKAEL DAEZ

MISS WORLD

RAYMART

RAYMART SANTIAGO

SA OCT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with