Enrique takot pagsamantalahan si Julia
Kahanga-hanga naman ’yung sinabi ni Enrique Gil na kahit may nararamdaman siya para sa kanyang kapareha sa seryeng Muling Buksan ang Puso na si Julia Montes ay hindi niya ito niligawan habang ginaÂgawa nila ang serye. Ayaw niyang masabing panaÂnaÂmantala niya ito sa closeness nila at baka maituring pang pam-promo ang gagawin niyang panunuyo sa dalaga.
Kung tutuusin ay ilang na ilang siyang makatrabaho si Julia nung una pero habang nagtatagal ang serÂye ay nabawasan nang nabawasan ang gap sa pagitan nila.
Marami ang reklamo dahil sa maagang pagtatapos ng serye pero, ayon kay Enrique, ay talagang hanggang ganito lang katagal tatakbo ang kuwento nila.
“Fixed na talaga ang story, walang extension. At talagang para ma-meet namin ang schedule ay five days kami nagti-taping instead of the usual three days. pagmamalaki ng aktor.
Hindi pa niya alam ang magiging wakas ng kanyang chaÂracter na may sakit sa puso. To his advantage naman ang maagang pagtatapos ng taping dahil dapat mapaghandaan niya ang November concert niya sa Smart Araneta Coliseum. Doon niya ipapamalas ang iba pa niyang talent bukod sa pag-arte. Kakanta at magsasayaw siya sa concert.
Alam ng marami kung gaano siya kahusay magsayaw pero mas gustong pagbuhusan ni Enrique ng atensiyon ang kanyang acting skills. May ginagawa na rin siyang pelikula na makaka-love triangle niya sina Dingdong Dantes at Bea Alonzo.
Jessy pinipigilang magsalita ni Jake
Hindi rin masabi ni Jake Cuenca kung nabaling na ba ang pagtingin niya sa bago niyang kapareha sa Maria Mercedes na si Jessy Mendiola. Tameme siya at hindi makaÂpagsalita nang tanungin sa presscon ng baÂgong serye ng ABS-CBN na itinataguyod ng unit ni Direk Ruel Bayani kung nililigawan niya si Jessy o hindi. Parang maging si Jessy ay pinipigilan niyang magsalita tungkol dito.
Baka kinakailangan muna niyang ayusin ang relasyon nila ng Kapuso aktres na si Lovi Poe bago siya makapagbigay ng malinaw na estado sa kanila ng bagong leading lady.
Samantala, lahat ay nagkakaisa na bagay na bagay kay Jessy ang role ni Maria Mercedes na unang pinasikat ni Thalia. Katulad ng Meksikanang aktres, malakas din ang sex appeal ni Jessy. Pero pinakuha din ito ng sensuality workshop, pinapayat ng husto para magmukha pang mas seksi at pinag-aral sumaÂkay ng bike. On top of this, pinapaghanda ang young actress ng maraming damit na kulay pula.
Inaamin ni Jessy na malaking promo ng kanyang baÂgong serye ang paggawa niya ng isang TV commercial para sa McDo. Sinakto ng nasabing fast food chain ang pagsisimuÂla ng pagpapalabas ng Maria Mercedes na magsisimula na sa Oct. 7.
- Latest